Gary walang balak magpahinga sa paghataw | Bandera

Gary walang balak magpahinga sa paghataw

Ervin Santiago - March 12, 2014 - 03:00 AM


HALOS araw-araw naming pinakikinggan ang mga kanta  sa bagong album ni Gary Valenciano. Bukod sa nakaka-inspire ang bawat track sa album, mapi-feel mo talaga ang puso ni Mr. Pure Energy sa bawat lyrics ng kanyang mga kanta.

Ngayong 2014 nga ay ipinagdiriwang ni Gary ang kanyang 30th year sa showbiz industriya, kaya 30 years na rin siyang nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang musika.

Sa kanyang latest studio album na “With You,” handog ng total performer ang 10 bagong awitin kabilang na ang isa sa mga favorite namin, ang “Kapit Pinoy”. Nandiyan din ang “Para Sa’yo Ama,” “In You,” ang carrier single na “He’s Enough” kung saan kasama niya ang grupong A.K.A. Jam na naging “alaga” niya sa X Factor Philippines.

Ang iba pang songs na mapapakinggan sa album ay ang “No Mount Too High”, “Ngiti” with Young JV, “Saytay”, “The Answer” at “Come To Jesus.”

Ilan sa mga nakipag-collaborate kay Mr. Pure Energy sa album na ito ang ilan sa mga premyadong songwriters sa bansa tulad nina Ray An Fuentes, Rex Verzosa, Jungee Marcelo at Jonathan Manalo.

Sa kantang “With You” naman ay naka-duet niya ang kanyang anak na si Kiana. Ito ang song na isinulat ni Gary para sa kasal ng kanyang panganay na anak na si Paolo Valenciano noong February, 2013.

Bukod sa bagong album, magkakaroon din ng major concert si Gary bilang bahagi pa rin ng 30th year niya sa industry, ito ay pinamagatang “ARISE Gary V 3.0” na magaganap sa Araneta Coliseum  sa April 11 at 12.

Available na ang “With You” sa lahat ng leading record bars nationwide! This is under Universal Records and GV Productions Inc. in cooperation with Manila Genesis Entertainment and Management.

Samantala, natanong si Gary sa press launch ng kanyang bagong album kung mape-pressure na ba siya sa title na Mr. Pure Energy ngayong hindi na siya bumabata.

Tugon niya, “Me, I’m just gonna come out and enjoy. Bahala na kung ano ang sasabihin ng tao. But I’m going to come out, I’m going to dance, I’m going to move.

“Hindi ako maprepressure sa pangalang Mr. Pure Energy. Kasi sa oras na yun ang nangyari, yun at yun na lang ang iisipin ko,” dagdag nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Phtoo credit to Entertainment Inquirer.Net )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending