Kaya ayaw pang magka-boyfriend uli
PATAGILID ang pagsasabi ni Sarah Geronimo na si Gerald Anderson ang nagpapangiti sa kanya.
Kahit na inamin niya ito sa isang interview, ang dating pa rin nito sa amin ay very subtle na pagsasabing si Gerald ang crush niya, hindi nga lang niya masabi-sabi nang diretso dahil baka ikagalit ito ng kanyang inang si Divine.
Obvious namang may pagtingin si Sarah kay Gerald. Sa kanyang gawi noong presscon ng movie nila, she showed to all and sundry that she’s very comfortable and kinikilig sa ex-boyfriend ni Kim Chiu.
Now that their movie has been shown, tingnan natin kung may mamuong something between Gerald and Sarah. Let’s wait kung papatusin ni Gerald ang Pop Princess.
Pero sa tingin namin, mukhang malabo pa itong mangyari dahil sa pagkakaalam namin, may isang babaeng nananatiling nasa puso ng aktor.
But based on Sarah’s latest interview, sinabi nitong talagang hindi pa siya tumatanggap ng suitors dahil, “Kasi, mahirap po talaga na…Ako po kasi, kilala ko ang sarili ko. Sobra akong malambot.
Kailangan ko munang maging matalino pagdating sa matters of the heart. Kailangan ko na hindi maging gullible.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.