SanMig magpupugay kontra Globalport

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Alaska Milk
vs. Meralco
8 p.m. SanMig Coffee
vs. Globalport
Team Standings: San Miguel Beer (2-0); Talk ‘N Text (2-0); Air21 (1-1); Alaska Aces (1-1); Barako Bull (1-1); Barangay Ginebra (1-1); SanMig Coffee (0-0); Meralco (0-1); Rain or Shine (0-1); GlobalPort (0-2)

DALAWANG linggo matapos na mapanalunan ang kampeonato ng Philippine Cup, sisimulan ng SanMig Coffee ang pagtugis sa ikalawang sunod na titulo sa pagsasagupa nito sa Globalport sa  PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-8 ng gabi sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-5:45  ay puntirya ng defending champion Alaska Milk ang ikalawang sunod na panalo laban sa Meralco.Ang Mixers, na nagwagi kontra Rain Or Shine sa anim na laro sa nakaraang Finals, ay sasandig sa import na si James Mays na humalili sa mas matangkad na si Denzel Bowles.

Isang produkto ng Clemson University at beterano ng NBA D-League, si Mays ay nagdiwang ng kanyang ika-27 kaarawan noong Marso 3.  Naglaro siya para sa Central African Republic  sa nakaraang FIBA  African Championship kung saan nag-average siya ng 20.1 puntos,  15 rebounds, dalawang assists at dalawang  steals.

“He’s a good post up player, good passer off the post and a strong guy,” ani SanMig Coffee coach Tim Cone hinggil sa kanyang import na makakaharap ng nagbabalik na si  Erin Brock.

Ang Globalport, na ngayon ay hawak ni head coach Alfredo Jarencio na humalili kay Ritchie Ticzon, ay nakaranas ng magkasunod na pagkatalo kontra Air21 (83-78) at  Alaska Milk (93-77).

Ang Mixers ay pinamumunuan nina  James Yap, Marc Pingris, Peter June Simon, Joe de Vance at Mark Barroca na pinarangalan bilang Papa John’s Pizza Most Valuable Player sa nakaraang Philippine Cup Finals.

Ang Globalport ay patuloy na sasandig sa main man na si  Jay Washington na patuloy na susuportahan ng mga rookies na sina  Terrence Romeo, RR Garcia, Justin Chua at bagong lipat na si Alex Cabagnot.

Bago nagwagi kontra Globalport, ang Alaska Milk ay inilampaso ng Talk ‘N Text, 85-72. Umaasa si coach Luigi Trillo na maipagpapatuloy ng Aces ang kanilang arangkada upang makabawi sa masagwang performance sa nakaraang Philippine Cup kung saan nahirapan silang pumasok sa quarterfinals at natalo sa Barangay Ginebra upang maagang magbakasyon.

Pinabalik ng Alaska Milk bilang import si Rob Dozier na tutulungan nina Cyrus Baguio, Sonny Thoss, JVee Casio at Calvin Abueva. Kinuha ng Meralco ang 6-10 na si Brian Butch na tanging puting import sa sampung reinforcements sa torneyo.

( Phtoo credit to INS )

Read more...