John, Priscilla sweet na sweet: Mukha bang hiwalay na kami?!


PINATUNAYAN ni John Estrada na walang problema ang pagsasama nila ng kanyang asawang si Priscilla Mereilles tulad ng mga napapabalita.

Sa press at celebrity screening ng epic drama na Ikaw Lamang na nagsimula na noong Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN present si John, kasama ang kanyang misis. Marami ang nakakita sa mag-asawa na sweet na sweet.

Kung matatandaan naging isyu ang isang message ni Priscilla sa kanyang Instagram account na naging dahilan kung bakit marami ang naniwala na may pinagdaraanan ang dalawa.

Sey ng dating Miss Earth, “There is a difference between giving up and knowing when you have had enough.” Sa isang interview sa kanya, “Normal lang na magkaproblema bilang mag-asawa.

Meron akong maraming problema sa buhay, paminsan-minsan nagkaroon ako ng depresyon din. I’m just a person like anybody else.” Dagdag pa nito, “Paminsan-minsan nag-post ako, hindi ko alam kung bakit lahat nakonek ‘to sa asawa ko, kasi walang pangalan niya diyan.

Maybe my text…my post ko, maybe related sa kanya, but not lahat.” In fairness, mukhang okay naman ang mag-asawa nang makita namin at talagang sinuportahan si John ng kanyang misis sa bago nitong proyekto sa ABS-CBN, ito ngang Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca at Julia Montes.

Si John ang gumaganap na tatay ni Kim sa kuwento. Nu’ng kumustahin ng ilang press si John sa status ng relasyon nila ng asawa, ang tangi lang niyang nasabi ay, “Mukha bang hiwalay ‘to?” Na sinagot naman ni Priscilla ng, “We’re so having fun.”

Read more...