Voluntary contribution na hindi nahulugan

MADAM
Isang magandang araw. Ako po si Virginia S De Juan, 61 taong gulang, pinaverify ko po sa SSS ang aking hulog upang malaman ko kung may sapat o pwede na akong mag-apply ng retirement pension.

Ayon po sa SSS, higit sa 120 0 123 months na po akong nakapaghulog sa aking SSS na sapat na po para sa aking retirement. Kaya naman agad po akong nag-aplay para dito pero may problema daw po o conflict sa aking nahulog. Ayon po sa kanila, nahulugan ng dati kong employer ang aking SSS ng 110 months pagkatapos po ang natirang 13months ay akin ng naihulog bilang voluntary o self employed.

Sana po ay mabigyan ninyo ako ng kasagutan sa aking problema. Paano kop o mai-aaplay ang aking retirement pension sa ganitong sitwasyon ng aking hulog. Ito po ang SSS #0703558914. Mara-ming salamat po
Virginia
S. de San Juan

REPLY: Para kay Gng. Virginia de San Juan,base na rin sa record ng Social Security System (SSS), lumalabas na siya ay nakapag-aplay ng voluntary contributions.

Kaya isa sa requirement na hinihingi ng SSS ay ang ‘affidavit of no earnings’ mula sa self employment para maibigay na ang kanyang retirement pay.

Tama na nangangailangan lamang ng 120 contributions o hulog para sa retirement pension. Ngunit sa kaso ni Gng. Virginia hindi pa ito maaaring maibigay ng SSS hangga’t hindi siya nakakapag-comply sa requirements na hinihingi ng SSS .

Sa hinihinging ‘affidavit of no earnings’ mula sa pagiging self-employed, kinakailangan nitong ipaliwanag kung bakit siya nag-aplay para sa voluntary contributions na hindi naman niya nahulugan.

Kinakailangang ma-established o mapatunayan na wala siyang earnings kung hindi ay maaari itong maging rason ng SSS para bayaran niya ang hindi nahulugan sa pamamagitan ng self employment

Magpagawa ng ‘affidavit of no earnings’ sa abogado at isubmit sa SSS ngunit mangangailangan pa rin ito ng pagsusuri ng ahensiya.
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
OFFICER IV
Media Affairs
Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.

Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!t

Read more...