Heat sinibak ng Bulls sa Overtime | Bandera

Heat sinibak ng Bulls sa Overtime

Melvin Sarangay - , March 11, 2014 - 03:00 AM

CHICAGO — Nagtala si Joakim Noah ng 20 puntos at 12 rebounds habang si D.J. Augustin ay gumawa ng 22 puntos para pamunuan ang Chicago Bulls na talunin ang Miami Heat, 95-88, sa overtime sa kanilang NBA game kahapon.

Si Dwyane Wade ay umiskor ng 25 puntos para sa Miami subalit si LeBron James ay muling nahirapang makapuntos para malasap ng Heat ang ikatlong sunod na pagkatalo na tinapatan ang pinakamahaba nilang losing streak ngayong season.

Si James ay gumawa ng 17 puntos mula sa  8-of-23 shooting at hindi na nakaporma matapos sayangin ng Miami ang 12-puntos na kalamangan sa huling bahagi ng ikaapat na yugto.

Bagamat nagkaroon ng pagkakataong manalo ang Heat sa regulation period, nawala ang bola kay James sa kanyang layup attempt matapos matapikan ni Jimmy Butler sa pagtatapos ng ikaapat na yugto.

Sa overtime ay na-outscore ng Chicago ang Miami, 9-2, na sinimulan ng 3-pointer ni Augustin may isang minuto ang nalalabi sa laro.

Nakagawa rin si Noah ng pitong assists at limang blocks sa laro na pinanood ng kanyang ama na si tennis great Yannick Noah. Si Butler ay nagdagdag ng 16 puntos at 11 rebounds.

Mavs 105, Pacers 94
Sa Dallas, sina Monta Ellis at Devin Harris ay kapwa umiskor ng 20 puntos para pangunahan ang Dallas Mavericks na palawigin ang season-worst losing streak ng Indiana Pacers sa apat na laro.

Bagamat nagawang makabangon ng Pacers mula sa 17 puntos na paghahabol sa first half at burahin ang double-digit deficit matapos ang halftime, inalat naman silang muli sa opensa.

Si Paul George ay gumawa ng 27 puntos at 11 rebounds para pamunuan ang Pacers, na angat na lamang ng 1½ laro sa
Miami para sa Eastern Conference lead.

Si Dirk Nowitzki ay nag-ambag ng 14 puntos para sa Mavericks na winalis ang two-game season series kontra Pacers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to INS )

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending