James inggit na inggit sa muling pagpapakasal ni Alvin


Speaking of inspiring, ganyan ang naramdaman ng maraming PBA players and friends nina pareng Alvin at Cindy Patrimonio when they renewed their vows recently.

Nag-silver wedding anniversary na nga sila at napakagandang halimbawa sa mga kabataan ngayon ang sakramento ng kasal at yung wagas na pagsasama na inilarawan ng couple na puno ng drama, intriga at negative influences though ang commitment at ipinaglalaban daw nilang love and respect ang sumagot sa mga ito.

“Hindi madaling maging isang Mrs. Patrimonio,” pag-amin ni Cindy sa amin.  Inspired din ang peg nina James Yap at Marc Pingris, ilan sa mga PBA players under Alvin’s team management.

Biniro pa namin si pareng James na kung nakikita ba nito ang sarili na magsi-celebrate din siya ng kagayang event sa babaeng muli niyang pakakasalan? “Sana, sana nga. Nakakainggit at nakaka-inspire si Cap, ” sagot nito sa amin.

Maluha-luha naman si Marc na nagbiro pang, “Nakakapuwing pala ang kasalang ito,” sabay harap sa asawa niyang si Danica Sotto na ayaw ipahalatang naluluha rin siya.

Read more...