HOROSCOPE, MARCH 11, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming magagandang pangyayari ang magaganap kung sisimulan ang araw na ito sa pagsisimba at padarasal. Sa pag-ibig muling sasaya ang pakikipag-relasyon sa isang Aries. Sa pinansyal, sa susunod na mga araw makapal na salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 1, 9, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Green at gold ang buenas.    
 
 
Aries – (Marso 21-April 19)—Pag iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad at lumigaya. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi ng isang-libong-piso kada buwan bago gumastos. Sa pag-ibig, kapag marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam. Red at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag ng balikan ang nakaraan! Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay ngayon? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo na isang Virgo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Violet at blue ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Sa mga mababait at walang kibong mga nilalang  ka makipag-transaksyon at makisama. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na cute, tahimik at neat upang makasumpong ng true love. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Red at white ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)—Wag sarilinin ang problema. Kung hindi ka lalapit sa isang kaibigan, paano mo malulutas ang problema sa pera? Sa pag-ibig, wag dayain ang puso, aminin mo ng mahal mo ang isang Scorpio! Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om”. Yellow at green ang buenas.
 Leo (July 23 – August 22)— Iwasang magtaray! Alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo kang papangit.  Ngiti ang susi sa isang masarap at romantikong relasyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Ke-Balam.” Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, siguradong-siguradong ikaw ay yayaman. Sa pag-ibig, tapang din ang susi upang mahulog ang loob ng kasuyong matagal mo ng tinatangi-tangi, ayain agad siya sa isang pridabong silid. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Mag hanap ng mga taong magaganda at pogi. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, kung sa isang maganda o kaya’y sa isang pogi ka makikipag-relasyon mas masarap na pag-ibig ang makakamit. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty last forever!” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Upang maging lubos ang ligaya moderasyon ang dapat. Wag ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, ipunin ang libido sa summer vacation.   Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag katamaran ang mga bagay na pagkakaperahan, doblehin mo pa ang pagsisipag upang madoble din ang kinikita. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pakikipagbolahan sa kasuyong Gemini.  Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Walang ibang tutulong sayo para umunlad kundi ang sarili mo rin. Magsimula ka ng magsikap ngayon, wag iasa sa iba ang tagumpay. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa kasuyong tamad, palitan siya ng isang Taurus na masipag. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Gray at silver ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Maging kampante at ipayapa ang isip, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, meditation at pagyo-yoga ang magpapasulak ng iyong libido upang makarami ka. Mapalad ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Malapit na ang Holy Week, simulan na ang pagnilay. Sa  mga lugar na malapit sa nature, mas lilinaw ang isipan kung paano malulutas ang mga problema. Sa pag-ibig, kapag payapa  ang puso maligayang relasyon ang makakamit.  Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Read more...