Si Daniel Matsunaga raw ang misteryosong dyowa ni Kris


Tiyak na mabubuhay na naman ang chismis kina Kris Aquino at Daniel Matsunaga. We’re saying this because this early pa lang ay meron nang nagtatanong sa Twitter if they are dating.

Nai-post kasi ang four photos ni Daniel kasama si Bimby habang naglalaro sa pool. Ang caption ni Kris sa photo ay ito: “Thank you @dandanmatsunaga for swimming and playing with Bimb. #humaisland #kristv. I appreciate the effort!”

Nagtanong ang nag-repost ng picture kung nagde-date na raw sina Daniel at Kris.Dati nang na-issue na nagliligawan ang dalawa. Paulit-ulit na tinanong si Daniel at nang magsawa na sa kakukulit sa kanya ay tahasan niyang sinabi na hindi niya nililigawan si Kris, na hindi siya mahilig sa girl na mas matanda sa kanya.

We feel na hindi naman talaga nililigawan ni Daniel si Kris. Nag-guest lang siguro siya sa early morning show ng TV host and that’s it. And while Daniel was on break ay nag-decide siguro siyang makipaglaro kay Bimby sa swimming pool.

Nag-a-island hopping ang show ni Kris kaya kung saan-saang lugar sila nakakarating. Sa Palawan ang latest place na nakita naming binisita niya.

Read more...