Ate Guy: Pinayuhan ako ni Coco na mag-ipon para sa kinabukasan ko!


Nakorner ng ilang members ng entertainment media ang Superstar na si Nora Aunor last Sunday pagkatapos niyang mag-present ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa PMPC 30th Star Awards for Movies para sa veteran actress na si Rustica Carpio.

Ginanap ang nasabing gabi ng parangal sa Solaire Resort & Casino. Kinumusta si Ate Guy tungkol sa pakikipagtrabaho niya ngayon sa mga pambatong youngstars ng iba’t ibang TV network, tulad nina Alden Richards (GMA, para sa isang short film), Jasmie Curtis Smith (TV5, para sa isang indie film) at Coco Martin at Julia Montes (ABS-CBN, for the movie Padre de Familia).

Sey ni Ate Guy, bilib na bilib siya sa professionalism ng mga batang nakakasama niya sa kanyang mga proyekto, at ang gagaling din daw umarte ng mga ito.

Siyempre, masusuwerte ang grupo nina Coco dahil isa ngang malaking achievement para sa kanila ang makasama sa proyekto  ang nag-iisang Superstar.

Pero nang tanungin si Ate Guy kung binibigyan din niya ng payo ang mga bagets, aniya, “Oo naman, hindi naman mawawala ‘yung ganu’n. Pero sa kaso ni Coco, iba, e.

Nu’ng magkausap kami one time, ako ang pinayuhan niya. Sabi talaga niya sa akin, dapat mag-ipon ako para kapag dumating ‘yung time na kailanganin ko, hindi na ako mamomroblema. O, di ba, baligtad. Ha-hahaha!”

Read more...