Best Actor award ni Vice sa Star Awards inireklamo, bayad daw?
TABI-TABI, kafatid na Ervin ha, kasi alam kong taga-PMPC ka though hindi ka pa naman voting member. Nakakaloka lang kasi ang PMPC Star Awards for Movies na ginanap nu’ng isang gabi sa Solaire Hotelt.
Feeling ko niloko ako ng ilang members ng PMPC – pinaniwala ako that they will vote for my baby Jeorge Estregan for Best Actor for his sterling performance sa pelikulang “Boy Golden” – pero hindi pala.
Ganito kasi ang scenario – barely two weeks ago, some members talked to me at nagtanong kung hindi ko raw ba ila-lobby si Gov. ER for Best Actor dahil ang kanilang napusuang rightful winner na si Joel Torre for the movie “On The Job” won’t get daw the votes of the PMPC members dahil hindi kayang i-lobby ng kampo ni Joel Torre sa voting members.
So, I thought of something. Kung hindi rin lang kako mananalo si Joel Torre who is the rightful winner at sobrang husay daw talaga, might as well fight na lang for my anak-anakang ER for “Boy Golden” dahil they told me sila lang naman ni Vice Ganda ang ang malakas ang laban kay Joel and between Vice naman and ER, no biases, I will root for the governor dahil hindi madali ang gumanap sa isang true-to-life role like Boy Golden compared to Vice Ganda na nag-portray nga ng apat na characters sa “Girl Boy Bakla Tomboy” pero isa pa rin ang lumalabas na character niya in its entirety – very Vice Ganda lang talaga.
But how? I have to call first members of PMPC para makasiguro ako sa pagkapanalo ng alaga ko dahil PR man ako. Kasi kung si Vice Ganda rin lang ang makakalaban ng alaga ko – aba’y tatayaan ko na ito dahil mas magaling nga namang di-hamak si ER kaysa sa kaniya.
Anyway, that’s part of the lobbying. Normal lang iyon – kahit sa Oscars ng America ay uso ang lobbying, di ba? But I have to weigh first kung may laban ako.
Since 38 lang naman ang voting members, I have to get at least a vote more than half of them, meaning, more than 19 in short. So I commissioned 22 of them bago ako sumugal.
Huwag na nating pangalanan yung mga nakausap ko dahil mababait sila sa akin but when worse come to worst ay willing ako to name names. Wala na akong pakialam.
Nagulat na lang ako nang malaman ko that one voting PMPC member (wag muna nating pangalanan sa ngayon) lobbied for Vice Ganda pala for Best Actor.
Nagbayad siya ng pera sa mga kasamahan niya sa PMPC para manalo si Vice Ganda na nasa abroad ngayon.
Mamatay na ang nagsisinungaling. Alam niyo naman ako, mayabang din at kalahati. So, ayaw kong magpatalbog – nangutang ako sa isang friend ng pera para huwag lang madehado ang alaga ko kaya nagbayad ako ng mas higher.
Kaso, ang dalawa sa 3-man panel ng executive branch ng PMPC are for Vice dahil mas nauna na silang naka-commit doon.
Ang third member daw kasi ng panel ay very lame – cannot fight yata for what is right.
At ang malungkot, ayaw nilang ipakita ang tunay na resulta ng botohan, itinatago nila. Kasi nga, simple lang iyan – if I had 22 committed members, ilan na lang ang natitira sa kanila? 16? in short, I already have the numbers.
Kaya lang, since ayaw nilang ipakita ang tunay na resulta ng botohan, nanalo si Vice dahil kontrolado nila ang results.
I am an outsider of PMPC kaya I have all the right to lobby – since hindi naman pala mananalo ang righrful winner na si Joel Torre, might as well fight for second best and that’s ER dahil sila naman ang nagsabi na magaling talaga ito sa “Boy Golden”.
Pero ang nag-lobby kay Vice for Best Actor ay voting member ng PMPC. Hindi ba sila nahiya? Nasaan ang delicadeza nila?
Bawal iyon sa members to campaign for a nominee, di ba?
Either he must abstain from voting for his ward dahil pangit talagang tingnan. Ako? Okay lang iyon dahil outsider ako and every PR man has the right to campaign or lobby for a client for whatever reason.
Nakakaloka lang dahil paano nangyaring natalo ako when many of them committed with me for Jeorge Estregan. I personally spoke to many of them and they said yes.
Okay lang naman ang lobbying pag hindi ka member and I don’t care kung magalit sila sa akin – ako ang naloko rito.
May feeling ako na yung mga nakausap ko ay tumupad naman sa usapan namin kaya lang obviously the result was manipulated.
And meron yata silang ruling na hindi puwedeng buksan ang ballot boxes pag walang court order. You have to file a formal complaint first against them in court at didinggin pa ito, and knowing kung gaano katagal ang court case – might as well na magkabukuhan na lang tayo.
I’m not against sa pagkakapanalo ni Vice, dahil like any other actor, gusto rin niyang maging awardee. Kaya lang, the way PMPC did it, nagkakalokohan lang. At lalaban ako sa isyung ito.
Magkakaalaman din kami niyan in due time. Kaya ang tanong ko ngayon, nasaan na nga ba ang tunay na KREDIBILIDAD ng PMPC?
I rooted for both ER and KC Concepcion dahil sa husay nilang pareho sa “Boy Golden”. Sayang nga lang at wala si KC when her name was announced as Best Actress, nasa New York ang baby nating ito. And she deserved to win.
In fairness, sa ibang kategorya naman ay rightful winners ang pinili ng PMPC, like yung sa mga technical and all.
Imagine, halos lahat ay naiuwi ng “On The Job”, tanging Best Actor lang ang nakapuslit sa kanila na dapat sana’y napunta rin kay Joel Torre.
Kakaloka lang ang ibang members ng PMPC. Ha-hahaha! (Hintayin na lang natin ang magiging official statement ng PMPC tungkol sa isyung ito sa nakaraang 30th Star Awards for Movies. – Ed)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.