SA naabot na niya na estado sa larangan ng boxing kaya may karapatan na ang pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr. na mamili ng kanyang mga makakalaban.
Ito ang inihayag ni Mayweather sa pulong pambalitaan para sa kanyang Mayo 3 na laban kontra kay Marcos Maidana ng Argentina sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.
Si Amir Khan ang naunang naging matunog na kalaban ni Mayweather pero biglang nagbago ito at napunta kay Maidana na ayon sa ilan ay dahil sa mas madaling kalaban ito kahit tinalo sa pamamagitan ng unanimous decision ang dating World Boxing Association welterweight king na si Adrian Booner.
“Look at his last four fights and look at Khan’s last four fights. I had to go with the best choice and Maidana has made a big impact on boxing in his last fight,” paliwanag ng 37-anyos at World Boxing Council champion na si Mayweather.
Tiniyak din niya na hindi siya umiiwas na harapin ang sinasabing mabibigat na kalaban sa kanyang dibisyon pero ang mga kinukuha ay mga boksingero na sa tingin niya ay karapat-dapat siyang labanan.
“Floyd Mayweather is not scared of no opponent. I don’t duck or dodge nobody, but I earned my stripes. So I can pick and choose who I want to pick,” dagdag nito.
Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang isang kalaban na itinutulak ng maraming panatiko ng boxing para kay Mayweather at pinaniniwalaan na ang Kongresista ng Sarangani Province ang may kakayahan na palasapin ng kabiguan ang American boxer.