Daniel Matsunaga close kay Bimby, Kris tuwang-tuwang nagpasalamat

Speaking of Kris Aquino mukhang lilibutin niya ang buong beach resort sa Pilipinas courtesy of Skyjet Airlines dahil kamakailan lang ay nasa Batanes sila na ipapakita sa Kris RealiTV.

Nitong weekend naman ay nasa Huma Island sila sa Coron, Palawan kasama sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.
Base sa mga litratong naka-post sa Instagram account ng Queen of All Media ay magkasundung-magkasundo sina Daniel at Bimby at hinahagis-hagis pa ng aktor ang bagest habang naliligo sila sa magandang pool ng resort.

Say nga ni Kris, “@krisaquino 214’s Instagram: Thank You @dandanmatsunaga for swimming & playing w/ Bimb. #humaisland #kristv I appreciate the effort!”

Tanda mo bossing Ervin na-link dati sina Kris at Daniel na kaagad namang pinabulaanan ng dalawa, e, ngayong magkasama sila sa isang out-of-town at kasundo pa ng mga anak ng TV host ang aktor, hindi kaya mabuhay na naman ang isyu sa kanila?

Hmmm, pero sino nga kaya ang bagong love interest ngayon ni Kris na ayaw niyang i-reveal?

Read more...