Osang idiniin ng sariling anak sa droga, mga ari-arian naglahong parang bula!?


Nakakapangilabot ang mga rebelasyong isiniwalat kahapon sa Startalk ng bunsong anak ni Rosanna Roces na si Onyok. Matagal siyang nanahimik, kung matatandaan ay ikinalat ng kanyang ina na sinapak at sinipa niya ito nu’ng nakaraang taon, maraming nagalit nu’n kay Onyok.

Pero kahapon sa Startalk ay nilinaw ni Onyok na walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Osang, totoong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, pero hindi niya sinaktan nang pisikal ang kanyang ina.

Ang totoo, ayon pa kay Onyok, ay ang pagkalulong sa droga ng kanyang mommy. Droga raw ang sumira sa kanilang pamilya, ‘yun daw ang dahilan kung bakit watak-watak silang mag-iina ngayon, kung bakit naririndi na rin ang kanyang Ate Grace sa mga inaasal ni Osang.

Sa gitna ng mga ginagawang pagtungayaw at pagmumura ni Osang sa mga taong nanindigang nagdodroga siya ay isang napakalaking sampal sa magkabila nitong pisngi ang mimsong rebelasyon ng sarili nitong anak.

“Nagawa na namin ng ate ko ang lahat para tigilan na niya ang pagda-drugs, pero wala rin. ‘Yun ang sumira sa pamilya namin, ang pagbibisyo niya,” madiing pahayag ni Onyok sa panayam ni Manay Lolit Solis.

Kasama rin sa mga rebelasyon ni Onyok ang pagbagsak ng kanilang kabuhayan, ang pagkatunaw ng mga propyedad na naipundar nu’n ng kanyang ina, wala nang lahat ‘yun ngayon.

“’Yung bahay sa Vista Real, wala na ‘yun. Nasanla ‘yun, tapos, lumaki nang lumaki ang interest, until after a couple of years, naremata na,” pagdedetalye pa ng bunsong anak ni Osang.

Siguro naman ay hindi na makakayang baligtarin ngayon ni Osang ang kuwento, siguro naman ay hindi na nito masasabing galit lang sa kanya ang mga nagkukuwento na gumagamit ito ng droga, dahil mismong si Onyok na ang nagdiin na totoong lulong sa droga ang kanyang ina. Palong-palo pala, ha? O, loko!

Read more...