Alden Richards 5 taon nang walang dyowa, ‘Selfie-Selfie’ muna ang sex life

“Selfie”‘ lang ang sex life ni Alden Richards. Sa Bulacan ang taping ng Carmela nina Marian Rivera and Alden so we went there last weekend. Kaso, dalawa lang ang nakausap naming artista, sina Marian at Alden nga plus director Dominic  Zapata and Mike Lloren so zero in na lang kami sa dalawang bida.

Feeling proud talaga si Alden bilang Yago sa soap nila ni Marian weeknights sa Tele Babad after Kambal Sirena. Marami na raw siyang nagawang soap but so far, this is his most prestigious ikanga as he is paired for the first time with the  primetime queen of GMA.

Ang maganda raw sa relasyon nila ni Marian, walang tsismis about them dahil alam ng mundo na its Marian and Dingdong Dantes so walang balak si Alden na sirain ang trust sa kaniya ng magsing-irog and he’s happy naman na walang slant na ganitong lumalabas sa partnership nila ni Marian.

As to his love life, wala na raw muna talaga dahil he has to concentrate on his acting muna lalo na’t binigyan nga siya ng ganitong pagkakataon ng GMA at ayaw niya itong masayang kapalit ng love life.

Five years na palang single si Alden at high school pa siya huling nagka-girlfriend so not true na may naging artista siyang girlfriend dahil almost five years na siyang nasa showbiz. Paano na ang sex life, biro naming tanong.

Ang sagot ng next in line sa top actor ng GMA, selfie lang daw muna siya kaya natawa kaming lahat at sinabi namin sa kaniyang ito talaga ang isusulat namin. Natawa na rin si Alden but he is not one to request the press of off the record so isinulat namin.

Read more...