HOROSCOPE, MARCH 10, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, MARCH 10, 2014

Madam Sophia - March 10, 2014 - 03:29 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sisimulan sa pagsisimba ang araw na ito ay dobleng suwerte ang matatangap! Isang masarap na romansa, at may mag-aabot sa iyo ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 4, 9, 15, 28, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasikatan. At tandaan din naman sa pag-ibig, hindi ang kasikatan ang nagpapaligaya sa relasyon, kundi ang salapi. Mapalad ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke- Balam.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Huwag hawahan ng hina ng loob ang kasuyo, lalo lang siyang maduduwag! Dapat ikaw ang magsimula ng initiative upang kapwa kayo umunlad at lumigaya. Panahon na upang i-encourage ang kasuyo na tumapang. Mapalad ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kaleneha-Om-Mahatha.” Black at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Sa pag-ibig, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa. Pagpasok niya ng pintuan ay halikan mo agad. “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Green at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Tama ang ginagawa mong pagsasakripsiyo at page- exercise, para sumeksi. Sa pag-ibig, habang sumeseksi ka, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyo at bibigyan ka na naman niya ng maraming pera. Mapalad ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Visnu-Om-Veda.” Red at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Upang hindi kainggitan ng iba, iwasan ang labis na kadaldalan. Hindi kailangan ang maraming kuwento upang kumita ng malaking halaga; mas mahalaga ay ang katapatan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat balewalain ang obligasyon sa pamilya. Sa bandang huli ang  kapamilya mo rin ang tutulong sa iyo upang maabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, hindi mo matatakasan ang isang Cancer, mananatili siyang kapuso mo pa rin. Mapalad ang 7, 16, 25, 29,  43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Red at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ipagpatuloy ang kasalukuyang proyekto. Pagpasok ng Abril ay malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, sa sandaling nakahawak ng maraming pera, huwag kalilimutan ang pangako  sa kasuyo – ang pasu-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mahata-Nastah-Om.” Green at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Huwag panghinayangan ang nakaraan! Salubungin ang bagong araw ng  may ngiti at galak sa iyong puso upang lumigaya ka at umunlad.  Sa pag-ibig, ngitian ang masungit na kasuyo upang maibsan ang init ng kanyang ulo. Mapalad ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Dosya.” Green at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang magpatuloy ang suwerte, laging magsuot ng pula at asul. Sa pamamagitan ng kulay na pula at asul, lalong sasaya ang iyong love life at kusa darami ang inyong pera. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.”
Capricorn – (December 22 – January 19)— Upang pumasok ang suwerte, habang umiinit ang panahon ay panatiliing bukas ang bintana sa gawing silangan. Sa bukas na bintanang nabanggit, papasok ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tatha-Om-Sakra.” Blue at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Maiiwasan ang anumang karamdaman kung ilalagay sa tamang oras ang pagkain. Huwag magpalipas ng gutom. Sa pag-ibig at pinansyal, isang Sagittarius ang lagi ng aalalay at tutulong sa iyo. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Blue at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Mali ang binabalak mong paglayo! Ang mga Pisces ay hindi nagiging maligaya kung  malayo sa pamilya. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag  malapit ka sa iyong mga mahal sa buhay mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 2, 8, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at yellow ang buneas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending