Babalik sa ME | Bandera

Babalik sa ME

Joseph Greenfield - March 09, 2014 - 03:41 AM

Sulat mula kay Erlina, ng Barangay Comagascas, Cabadbaran City
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong domestic sa Gitnang Silangan at halos anim na taon ako roon. Nakaipon din, kahit paano, pero ayaw ko nang bumalik doon dahil niyayaya ako ng pinsan ko na magtrabaho sa Singapore. Pinaga-apply niya ako sa anumang agency sa Cebu City at tutulungan daw niya akong makapunta doon. Pero kailangan daw na manggaling ako sa pinanggalingan ko, sa Gitnang Silangan. At kapag naroon na ako ay madali na raw pumasok sa Singapore. Itatanong ko po sa inyo Sir Greenfield kung matutulungan nga ako ng pinsan ko? Matagal ko nang pangarap ang makapagtrabaho sa Singapore dahil malapit lang ito sa Mindanao kaya madaling bumiyahe.
Umaasa,
Erlina, ng Barangay Comagascas,
Cabadbaran City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Marami pa ang iyong mararating dahil may malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, Oo nga’t nakapag-Middle East ka na, tunay ngang marami pang mga pangingibang bansa ang iyong mararanasan.
Cartomancy:
Queen of Hearts,  Seven of Diamonds at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang babae ang tutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad muli. Kung saan, sa buwan ng Disyembre sa taon ding ito, may pangingibang bansa na itatala sa iyong karanasan. Mula sa Middle East, lilipas ang ilan pang panahon, maga-abroad uli. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending