HOROSCOPE, MARCH 08, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, MARCH 08, 2014

Madam Sophia - March 08, 2014 - 03:29 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Susubukin ka ng kapalaran, sa sandaling napagtiisan mo ang lahat ng hirap, ang mga taong isinilang sa petsang 8 ay talaga namang yumayaman. Kahit ano ang mangyari, wag susuko. Mapalad ang 4, 8, 25, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at green ang buenas.     
 
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa ibang bansa, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tiisin munang malayo sa kasuyo, kailangan mong gawin iyan para sa kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 4, 15,  25, 34, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pranave-Beeja-Om.” Beige at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—  Sa pinansiyal, kung magpapa-ganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung lagi kang beauty tingnan, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 12, 28, 31, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Vasudeva-Om.” Orange at red ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—  Competition ang dapat upang umunlad at yumaman. Kapag may nakakalaban ka at nakakabangga lalong sisigla ang iyong buhay. Sa pag-ibig patuloy mong ipaglaban ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 18, 23, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Blue at lilac ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)— Huwag tularan ang pagong, laging nagtatago sa kanyang bahay. Sa pinansyal, mas madadagdagan ang oportyunidad ng pagkakakitaan kung makikihalubilo sa lipunan. Sa pag-ibig sa isang political gathering mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Wag magtiwala kung kanikanino, suwerte ka sa mga nilalang na isinilang sa petsang 7, 16 at 25. Sa pag-ibig, kusa kang maaakit ng mga taong may birth date na 4, 13, 22, at 31. Ang mga petsa sa itaas ang siya ring mapalad mong numero at araw. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Yellow at gold ang bueans.

Virgo – (August 23 – September 22)— Kailangang gamitin ang talino! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang pairalin, gumamit  ng rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta  ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Wag masyadong maging mahilig sa pagkain. Sa pinansiyal, mentras sexy kang tingnan mas maraming salapi ang darating. Sa pag-ibig, laging mag-exercise upang hindi maging chubby at ng hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Maroon at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Wag sugod ng sugod!  May manghihikayat na naman sayo para magnegosyo, mag-ingat, may babala na ma-racket ka na naman. Sa pag-ibig hinay-hinay lang sa pagmamahal, may babala na muli kang lumuha. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Ipayapa ang isipan. Nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Imbis na guluhin ang isipan sa labis na pag-aalala mag-concentrate sa mga bagay na pinagkakakitaan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Huwag hayaang mangibabaw ang katigasan ng ulo. Sundin mo kung ano ang tama, sa ganyang paraan lalo kang yayaman at uunld. Sa tamang pag-ibig at sa tamang nilalang, maligayang relasyon ang mapapala. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—   Hindi dapat magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Sa pag-ibig panahon na upang lumaban! Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprioridad.  Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Devah-Om.” Pink at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Panindigan ang sinabi nuong nagdaang mga araw. Tuparin ang ipinangako sa minamahal na mamasyal kayo sa isang romantic na lugar.  Sa pinansiyal, iwasang magpabago-bago ng isipan upang wag masira ang transaksyon.  Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.”  Yellow at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending