Angelina Jolie tatalbugan ni Ai Ai: Pasabog ang gown ko sa Star Awards!

AI AI DELAS ALAS

Happy naman ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na isa siya sa mga gagawaran ng trophy para sa Dekada Award. Special ang award na ‘to dahil ilan lang sila na napili among the winners ng Best Actress for the last 10 years ng PMPC.

Now pa lang tiyak na namin na kakabugin ni Ai Ai ang outfit ng mga artistang babae sa awards night. Like in the past, she will wear a Maxi Cinco gown. At kung aware kayo sa mga suot dati ni Ai Ai sa mga awards night na gawa ni Maxi Cinco, knows ninyo na kung ano ang ibig naming sabihin.

Agaw-eksena’t laging pinag-uusapan ang suot na gown ni Ai Ai everytime she walks on the red carpet. Malamang kabugin niya pati gown ng Hollywood superstar na si Angeline Jolie at ang Oscars Best Actress na si Cate Blanchet at pati na ang nanalong Best Supporting Actress na si Lupita Nyong’o, huh!

Kaya tinext namin si AiAi on what kind of dress would she wear sa Star Awards om Sunday. Heto ang sagot nia, “Pasabog!” ‘Yun na!

Read more...