BACK-TO-BACK nominations ang nakuha ni Jasmine Curtis sa 30th Star Awards for Movies na gaganapin sa Solaire, Pasay City this coming Sunday. Nominated si Jasmine for Best New Female Artist at Best Supporting Actress indie film niya na “Transit.”
We heard, ready na ang isusuot na gown ni Jasmine on the said event. And of course, excited na si bagets sa Star Awards. Bihira ang artista na ma-nominate in two categories sa Star Awards, huh! And if she wins, Jasmine will be in history ng local showbiz. Bongga, ‘di ba?
Kabog na kabog ni Jasmine sa usaping awards ang sister niyang si Anne Curtis. Marami nga ang nagsasabi na mas aktres si Jasmine kesa kay Anne. Kabagu-bago pa lang ni Jasmine ay kinakitaan na agad siya ng lalim sa pag-arte.
Unlike her sister Anne na hanggang ngayon ay bulol pa rin sa pagsasalita ng Tagalog, laking advantage ni Jasmine na diretso siyang magsalita ng Tagalog at walang twang.
Tsika naman sa amin ni Jasmine, isinilang at hanggang bata ay lumaki si Anne sa Australia kaya hanggang ngayon may twang pa ng pagiging Australian kung magsalita. E, siya raw dito lumaki kaya straight ang Tagalog niya.
Hindi naman pahuhuli si Jasmine sa paramihan ng endorsements kay Anne. Tatahi-tahimik lang ang manager ni Jasmine na si Betchay Vidanes pero may 10 endoresment ang dalaga ngayon. All for renewal ‘yung luma at may nadagdag pa na bago this year.
Tulad ni Anne, mapagmahal na anak din si Jasmine. Kung si Anne ibinili ng bahay ang kanilang ina sa Australia, si Jasmine naman ay brand new car.
Ayon sa aming source, ang kita ni Jasmine for her first two endorsements ay itinabi niya hanggang makauwi siya ng Australia. Pinapalitan daw ni Jasmine ng dollars ang mga kinita niya rito sa Pilipinas at ibinili sa Australia ng bagong kotse ang ina.
Napaka-blessed naman talaga ng mommy nila to have children like Anne and Jasmine, ‘di ba? May sariling bahay na rin dito sa Pinas ang mommy ni Jasmine. Bukod pa sa unang bahay na nabili noon ni Anne. Si Jasmine naman pansamantalang sinasamahan si Anne sa condo nito.
Busy si Jasmine ngayon sa movie niya with Nora Aunor. At may isa pa siyang movie na gagawin sa Regal Films na ididirek ni Erik Matti.
These are the reasons kaya hindi raw muna tumanggap ng project sa Cinemalaya ang manager ni Jasmine.