Di pa nalalawayan

Sulat mula kay Sylvia  ng Barangay Central
Bulanan, Midsayap, North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Malapit na akong maging 30 anyos pero hindi pa rin nagkaka-boyfriend. Hindi ko itinatago ang aking edad.  Nagagalit ako hindi dahil sa wala akong manliligaw.  Nagagalit ako dahil ang malakas ang loob na manligaw sa akin ay mga may sabit na o mga may asawa na.  Nagtitiis akong mag-isa dahil ayaw kong maging kabit na lang.  Bukod sa certified virgin ay hindi pa ako nalalawayan o nahahalikan ng lalaki.  Kailan ba ako magkaka-boyfriend?
Umaasa,
Sylvia ng Barangay Central Bulanan, Midsayap, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang mag-alala.  May namataang malinaw na Guhit ng Pakikipag-boyfriend o Guhit ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa malapit na hinaharap ay matutupad din ang malaon mo nang pangarapmagakaka-boyfriend ka, makakaranas ng romantikong relasyon at makakatikim na rin sa wakas ng first kiss.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Ten of Hearts, at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito at bago matapos ang taon ay may manliligaw sa iyo na lalaking kasing edad mo rin, kung saan, isang mainit at romantikong relasyon ang mabilis na mabubuo.
Itutuloy

Read more...