HOROSCOPE, MARCH 07, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Dumaan muna sa Simbahan o saan mang bahay-dalanginan bago i-celebrate ang kaarawan. Magugulat ka, isang nilalang na  may kayumangging kulay  ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngitian ang kasuyo upang mapapawi ang kanyang problema. Mapalad ang 2, 16, 25, 28, 38 at 43.  Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Veda-Om.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Ngayon pa lang ay iplano na ang buhay upang hindi mamali ng pasya. Sa pagdedesisyon nang mas maaga, mas malaking salapi ang makukuha.  Sa pag-ibig, markahan na ang kalendaryo para sa binabalak na pagsu-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.”  Violet at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pag-ibig, maging mahinahon upang mapanatili ang masarap na relasyon. Sa tulad mong isang Taurus na may ruling planet na Venus,  “love” ang susi upang magtagumpay at lumigaya. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Magtiwala sa kaibigang Capricorn, sa pamamagitan niya ay titiba  ng malaking halaga. Sa pag-ibig, huwag paghinalaaan ng hindi maganda ang kasuyo upang hindi masayang ang masayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padma-Aum-Purana.” Gray at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi dapat kainipan ang magandang kapalaran. Sa buwan ng Hunyo, kusa nang darating ang mga oportunidad na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, inip nang naghihintay ang isang Scorpio, sunggaban mo agad.  Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Tetra-Aum-Malka.” Green at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa maling desisyon mauubos ang pera. Bago magpautang,  isipin muna nang 10 beses. Sa pag-ibig, hangga’t hindi napapanatag ang puso sa iisang karelasyon, walang permanenteng ligaya ang makakamit. Mapalad ang 4, 10, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Madalas kang magkapera pero madali namang maubos. Walang dapat gawin kundi magtipid. Sa pag-ibig, may tampuhan upang muling magkabati. Paikot-ikot lang ang mga pangyayari kaya hindi dapat mabahala. Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Iwasang maging pusong mamon, mas mainam na ang maging pusong bato. Huwag basta-basta magtampo sa kasuyo. Sa pinansyal, kung hindi ka pinautang ay huwag magdamdam, lumapit sa isang kaibigang Virgo. Mapalad ang 3, 21, 24, 30, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Homine-Om.” Lilac at white ang buenas
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig, huwag masyadong malihim, ibunyag ang nilalaman ng puso bago maunahan ng iba. Sa pinansyal, ilihim sa kasuyo ang mga naiipon mong pera upang ito ay lalo pang dumami. Mapalad ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong. Naramdaman niya kasi na marami kang pera. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paglaanan na nang budget ang summer vacation. Mapalad ang 3, 18, 27, 29, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hangga’t kaya pa, magpasensiya. Tiis-tiis lang muna, uunlad at yayaman din kayo pagdating ng araw. Sa pag-ibig, hindi dapat pagsungitan ang kasuyo upang hindi na siya muling magtampo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—May sopresang naghihitay. Muli kayong magkikita ng isang dati ng minahal, nag-aapoy na romansahan ang kasunod. Sa pinansiyal, mas higit sa iyong inaasahan ang darating na pera. Mapalad ang 4, 19, 22, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Ananda-Marga.”  Pink at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pagtulong sa mga nangangailangan mas maraming biyaya ang nakalaan. Sa Mahal na Araw na ito ay lihim kang dumalaw sa mga charitable institutions. Sa ganyang paraan ay lalo kang pagpapalain ni Lord. Sa pag-ibig umiwas muna sa mga relasyong bawal. Mapalad ang 7, 11, 27, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra:   “Om-Krato-Om-Joviyo.” Magenta at beige ang buenas.

Read more...