True ba, Derek napapadalas ang pagsusugal sa casino?

DEREK RAMSAY

We were window-shopping one time when we met a Pinay customer na kasama ang kanyang Korean na dyowa.

Nasa isang boutique store kami noon and the beautiful Pinay asked our opinion kung bagay ba ang mga napili niyang mga outfit.

Meron kaming napili na nagustuhan naman niya bagama’t may kamahalan.

As we conversed ay nalaman naming suki pala ng casino ang kanyang Korean dyowa. Siyempre, ask namin kung sinu-sinong celebrities ang kanilang na-meet. High roller kasi ang dyowa niya, meaning, sa VIP ito naglalaro.

We were surprised when she told na nakita niya ng ilang beses sa casino si Derek Ramsay. Talagang kilig na kilig siya habang nagkukuwento.

Say pa niya, hindi naman regular na nagka-casino si Derek. Minsan-minsan lang ito magpunta at hindi rin naman nagtatagal o nagbababad sa paglalaro.

Meron nga raw isang kilalang celebrity na hindi pala malakas uminom ng alak. Since nasa VIP ito ay lahat ng inumin ay carry nitong ipahanda para sa kanya. Kaso, ilang lagok pa lang ay madali pala itong malasing. No, hindi naman ito nag-iskandalo sa casino, pero kitang-kita ang kalasingan niya.

Read more...