Maja sa bashers nila ni Gerald: Mamatay kayo sa inggit!

GERALD ANDERSON AT MAJA SALVADOR

WALANG pakialam ang magdyowang Maja Salvador at Gerald Anderson sa hindi mamatay-matay na balita na hiwalay na sila – ang rason daw ay ang pagiging playboy ng Kapamilya hunk actor at ang sobrang pagkaselosa ng young actress.

Wala kasing tigil ang paglabas ng mga chika na nag-break na raw ang magkasintahan, at kaya nga raw pumayag na si Gerald na makasama uli ang ex-girlfriend nitong si Kim Chiu sa isang product endorsement ay dahil wala nang magbabawal sa binata na magkatrabaho uli ang kanyang dating nobya.

Inilabas natin dito sa BANDERA ang isa sa mga litrato nina Kim at Gerald sa pictorial nila para sa nasabing endorsement. Pero may nakapagsabi nga sa amin na hindi man lang daw nag-usap nang masinsinan at matagalan ang mag-ex, lagi raw magkahiwalay at hindi kailanman nagdikit o naghawak-kamay.

Nauna nang itinanggi ni Gerald na break na sila ni Maja, aniya, very much together pa rin sila ng aktres at nagtataka nga raw siya kung saan nanggagaling ang mga tsismis na naghiwalay na sila.

Para naman kay Maja, wala siyang nakikitang problema kung maging magkatrabaho uli ang dyowa niya at ang dati niyang best friend. Aniya, dedma lang sila ni Gerald sa mga tsismis, kapag daw kasi napikon o nagalit sila, malamang sila rin ang talo.

Sey pa ni Maja, isipin na raw ng mga tao ang gusto nilang isipin, ang mahalaga, alam nila ni Gerald ang totoo at maligaya pa rin sila sa piling ng isa’t isa. Ang gusto lang sabihin ni Maja – mamatay kayo sa inggit!

Read more...