Marian: Mabait sa akin si Anne, wala kaming problema! | Bandera

Marian: Mabait sa akin si Anne, wala kaming problema!

Ervin Santiago - March 07, 2014 - 03:00 AM

MARIAN RIVERA AT ANNE CURTIS

Walang masasabing masama si Marian Rivera kay Anne Curtis. Iniintriga kasi ngayon ang dalawa dahil kay Anne nga ibinigay ng Dreamscape Entertainment ang bagong TV remake ng Dyesebel na magsisimula na ngayong Marso sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Kung matatandaan, si Marian ang huling gumanap na Dyesebel sa TV courtesy of GMA 7 noong 2008. Kaya hindi maiiwasan na pagkumparahin sila sa pagganap sa legendary at nabanggit na iconic character.

Sa press launch ng bagong endorsement ni Marian, ang Personal Collection Direct Sell ing para sa kanilang Sof & MMMMM Premium Fragrances, tinanong ang GMA Primetime Queen kung ano ang reaksiyon niya rito.

“Si Anne, mabait siyang kaibigan, sobrang bait niyan sa akin. Kasi sa Instagram, makikita niyo na nagpapalitan kami ng mga message namin sa isa’t isa.

“And wala akong nakikitang masama na, alam mo yun, maging Dyesebel si Anne. Dahil Anne is very beautiful, napaka-lovable ni Anne, at bagay siya bilang Dyesebel.

“Ganu’n talaga ang mundo, may papalit at papalit bilang Dyesebel at bilang Darna, bilang kung sino pang mga character, dahil ang tao, umiikot iyan, e. Happy ako na si Anne ang gagawa niyan,” positibong chika ng girlfriend ni Dingdong Dantes.

Samantala, ang magagandang qualities ni Marian ang dahilan kung bakit siya ang napili bilang kauna-unahang celebrity endoser ng Sof & MMMMM Premium Fragrances fabric conditioner ng Personal Collection Direct Selling – naniniwala sila na si

Marian ang pinakamaganda at pinakamabangong aktres sa showbiz ngayon tulad ng karakter niya sa seryeng Carmela.
Ano ang masasabi niya rito, “Well, malaking bagay siya dahil sa title ng Carmela, which is Carmela naman yun na ginagampanan ko sa soap opera.

“Maganda iyan dahil itong Sof na ito, na ine-endorse ko ay mabango, kakaiba, at sabi nga nila pinakamataas sa pinakamataas. At ang maganda niyan, na-surprise ako at kanina ko lang nalaman na nag-survey pala sila.

“Parang voting din ito na kung sino ang gusto ng mga dealers na maging endorser nito. So, nakakataba ng puso na napili talaga nila ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending