HOROSCOPE, March 06, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, March 06, 2014

Madam Sophia - March 06, 2014 - 02:22 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Kahit may malaking gastusin, maglaan ng salapi para sa pag-iipon. Panahon na upang mag-sakripisyo alang-alang sa pamilya. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalong kulay pula “siya na nga.”  Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Bukod sa green buenas ang red.  
 
Aries – (Marso 21-April 19)—  Sapag-ibig, kahit kunwari lang palabasin mong mas magaling sayo ang iyong kasuyo, sa ganyang paraan sisigla at magiging maunlad ang inyong relasyn. Sa pinansyal malaki ang maitutulong ng isang Sagittarius. Mapalad ang 9, 18, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Om.” Red at violet ang buenas.

 
Taurus – (April 20-May 20)— Upang magpatuloy na lumago ang kabuhayan, kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng kaunting pera ang mga taong tumutulong sa iyo. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 1, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una-Om.” Pink at yellow ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)— Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Umpisahan ng mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa pag-ibig paghandaan ngayon palang ang paglalakbay sa Boracay o kaya’y sa Palawan. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Om.” Yellow at pink ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)— Sa pananalapi, bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Now na, kumilos ka na agad! Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Credemus-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Iwasan ang ugaling mahilig manghingi.  Mas kikita ng malaking halaga kung tatayo ka sa sarili mong mga paa ng walang ibang inaasahan.  Sa pag-ibig, wag bigyan ng sama ng loob ang kasuyo – halikan mo siya sa lips! Mapalad ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut vincer aut mori.”  Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)  — Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala sa tagumpay. Bilisan ang pagiipon ng pera. Sa pag-ibig, kapag nag-init ang kasuyo sunggaban agad. Mapalad ang 5, 18, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Viam-Inveniam-Faciam.”. Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—  Unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sayo, sa kanila ka kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig at sex panahon na ng Kuwaresma, walang masama kung “maga-abstain” muna. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Cui-Et-Quando.” Blue at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—   Iwasang maging magastos. Ang pagiipon ang unang hakbang patungo sa masaganang kinabukasan at pagyaman. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa kuripot na minamahal. Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Upang mas madaling pumasok ang suwerte, paliwanagin ang buong paligid. Lagyan ng ilaw ang mga bahagi ng bahay na madilim. Sa pag-ibig, lalong sasarap ang romansa kung gagamit ng kulay na pula. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-Om.” Bukod sa pula mapalad ang violet.

Capricorn – (December 22 – January 19)—   Iwaksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, hayaang ang istilo ng kasuyo ang masunod. Mapalad ang 4, 14, 17, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dimidium-Facti-Qui-Habet.” Blue at brown ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansiyal, kapag lagi kang masaya kikita ng mas maraming pera. Panatiliin ang pagiging pala-ngiti. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo. Mamayang gabi, kilitiin mo siya.  Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Dosya-Om.” Red at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Mabilis talagang maubos ang pera, kaya konting tipid muna. Sa panahong ito ng Kuwaresma, wag ubusin ang salapi sa masasarap na pagkain. Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, abutan siya ng malaking halaga upang sumigla.  Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Bis-Vincit-Que-Vincit-Om.” Gold at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending