Toni ayaw pang ibigay ng tatay kay direk Paul, pero type nang magkaapo


Malungkot na ibinalita sa amin ng butihing ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty na until now ay ‘di pa tapos ang building na ipinatatayo nila sa Taytay.

Nagkaproblema pa rin si Mommy Pinty sa ilang finishing touches sa building at sa contractor na kausap niya. Kaya imbes na makapagpa-blessing na nga raw sila, e, wit muna.

Nakausap din namin ang  ama ni Toni at Vice Mayor ng Taytay na si Daddy Carlito sa thanksgiving presscon ng pamilya Gonzaga para sa members of the press.

Inamin sa amin ni Daddy Carlito na umiyak siya sa bed scenes ng anak niya with Piolo Pascual sa movie nila na “Starting Over Again.”

Syempre, ‘di sanay si Daddy Carlito na napanood sa ganoong eksena ang kanyang anak lalo pa’t napaka-conservative ng pamilya nila. At kung si Daddy Carlito ang tatanungin, ayaw na niya na may love scene si Toni sa movie.

Pero bahala na raw doon si Mommy Pinty. At tulad din nu’ng huli naming nakausap si Daddy Carlito tungkol sa pagpapakasal ni Toni sa boyfriend niyang si Direk Paul Soriano, hanggang ngayon daw ay tila ayaw pa rin niyang i-let go ang anak para mag-asawa.

“Ganoon naman ang mga magulang, e. Gusto mo kasama pa rin ang nga anak mo. Pero nasa sa kanila naman ‘yun,” sabi ni Daddy Carlito.

And would you believe? Until now ay ayaw makipag-close ni Daddy Carlito kay Direk Paul, huh! Biniro nga namin si Daddy Carlito, e. Baka sa araw ng kasal nina Toni at Direk Paul, e, maging comedy film. ‘Yun bang hihigpitan at pipigilan ni Daddy Carlito ang braso ni Toni na abutin na ang kamay ni Direk Paul patungong altar.

Pero gusto na rin daw ni Daddy Carlito na magkaroon ng apong lalaki. Nanghihiram na nga lang daw sila ng batang mapag-aaliwan sa bahay nila.

Ayaw din naman sabihin ni Daddy Carlito na atat siya na ang maging unang apo niya ay lalaki. Ayaw daw niyang maramdaman ng only children niya na pawang mga babae na nalulungkot siya’t di siya nagkaroon ng anak na lalaki.

Knows ninyo naman ang pamilyang Pinoy gusto ang anak na lalaki ng mga tatay para may magdadala ng apelyido nila.
“Nu’ng napanood ko ang interbyu ni Katy dela Cruz noon, only child lang siya, e, medyo na-ano ako noon.

Ramdam ni Katy na malungkot ang tatay niya. Kaya sinabi raw niya sa tatay niya huwag mag-alala dahil dadalhin niya ang apelyido ng tatay niya at sisikat pa,” kwento ni Daddy Carlito.

Read more...