Ryzza Mae gifted child, walang sinusunod na script sa show


Sikat na sikat na si Ryzza Mae Dizon, also known as Aleng Maliit. A provinciana na tubong Pampanga at Quezon, merong mga bagay na hindi pala naaalis sa sistema ni Ryzza.

For one, sa halip na magbeso ay nagmamano ang bagong child wonder sa mga kasamahan niya sa showbiz as experienced by tita Cristy Fermin who interviewed her for her “Cornered by Cristy” segment for Showbiz Police, airing Monday to Friday, TV5, 4 p.m..

Ang pagmamano ay tanda ng kanyang kinalakihang paggalang. Also, she does not forget to eat vegetables, again, kinasanayang paraan niya para maging malusog.

She may have achieved tremendous success sa kanyang career pero binabalikan pa rin ni Ryzza ang Pampanga. And mind you, naglalaro pa rin siya ng bahay-bahayan, taguan at kung anu-ano pa.

At sa set ay maraming dalang laruan si Ryzza.  Ang nakakaloka, hindi pala uso kay Ryzza ang teleprompter. Sinasabihan lang siya kung ano ang tatakbuhin ng show at ‘yun na ‘yun.

Meron lang nagga-guide sa kanya while the show is ongoing. Ganoon siya kagaling. Gifted child talaga.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...