Deniece: Wala akong STD! hindi ako bayarang babae!


KALAT na kalat na sa mga social networking sites ang diumano’y pagkakaroon ng sexually-transmitted disease ng rape victim daw ni Vhong Navarro na si Deniece Cornejo.

Ayon sa nabasa naming mga ulat sa internet meron daw bacterial vaginosis si Deniece, ito’y isa raw vaginal disease na kapag hindi raw napagamot agad ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng STD.

Matagal na naming narinig ang chika tungkol dito, nakita rin namin sa isang website ang litrato ng sinasabing resulta ng medical exam ni Deniece. Kumalat din ito ilang araw matapos ang sinasabing panggagahasa sa kanya ni Vhong.

Dahil dito, napilitan nang maglabas ng kanyang saloobin si Deniece, sa Instagram account ng Showbiz Police ng TV5 namin nabasa ang kanyang statement tungkol sa isyu ng STD.

Ayon sa diumano’y rape victim, “I don’t work in any illegal club. I don’t have STD. I don’t have any relationship with any man.
“I don’t have any record that I cheated with my past relationships.

I don’t have vices. I’m not materialistic. Everything I sell is just for business. “And I hate pretenders. Pinoy love teleserye that’s why we love dramas.

Lahat ng ‘bakit at paano’ na tanong ng marami ay aking sasagutin at haharapin sa tamang oras at panahon. Sa larangan ng batas, walang sikat at maimpluwensiya, tayo ay pantay-pantay lamang,” aniya pa.

 

Read more...