TUESDAY, March 4, was specifically my date with GMA 7 stars. Ha-hahaha! Two of my closest Kapuso stars ang nakasama ko in two very special events – si Marian Rivera sa tanghali at Luxent Hotel and si Papa Aljur Abrenica (along with Louise delos Reyes and the other cast members of Kambal Sirena) at the GMA 7 studio in the evening .
In short, dalawang press conferences ang napuntahan ko that day na puro GMA 7 artists ang involved. Naaliw lang ako kasi minsan lang itong nangyari sa akin dahil for the longest time ay nasa kabilang bakod ako – sa ABS-CBN. But it doesn’t really matter. I was there as a writer, not as a radio broadcaster anyway.
Nu’ng tanghali, pupungas-pungas ako papuntang Luxent Hotel para sa press launch ng Personal Collection Direct Selling, gumagawa ng mga premyado at de-kalidad na produkto sa mga kategoryang Homecare, Personal Care, Baby Care, Fragrances, Health Care at Apparel – buong lugod na ipinakilala ang pinakabago at pinakamabangong Sof MMMMM – range of concentrated Fabric Conditioners.
Swak na swak sa tawag na Premium Fragrances ang mga fabric conditioners na ito. Lalagyan pa lang, perfume-inspired na, with its flower-embossed bottle.
And with a very beautiful endorser cum ambassadress like Marian Rivera, how can the company go wrong, di ba? Kaya tinanong ko talaga si Marian kung siya ba ay marunong maglaba para magamit niya ang fabric conditioners na ine-endorse niya.
“Wala akong katulong sa bahay, ako lang. I do everything. Merong laundry shop na malapit sa amin, nagpapalaba ako roon pero yung mga personal things ko like underwear, I do it myself.
“Marunong siyempre akong maglaba. Tsaka, pag babae ka, you have to learn to do it para pag dumating ang tima na mag-aasawa ka na, hindi ka na natataranta,” she said.
Ayan ha, kahit sobrang sikat at yaman na ni Marian, she admitted that she still personally washes her underwear and other clothing materials. Tayo itong mga purita (read: poor) pero ang yayabang natin kung minsan – ayaw nating maglaba thinking na nakakababa ng pagkatao natin ito. Ha-hahaha! Ha! Para bang malaking krimen ang maglaba ha. Charozzzzz!!!!