Ang “With You” ang ikalimang inspirational album ni Gary Valenciano na ini-launch na noong Martes sa Polari Bar kasabay ng pag-anunsiyo rin ng kanyang major concert sa Smart Araneta Coliseum na may titulong “Arise Gary V 3.0” sa Abril 11 at 12.
Taong 2007 ng huling maglabas ng inspirational album si Gary na may titulong “Rebirth”, nauna naman ang “Soulfull” (2005), “Revive” (2001) at “Shout For Joy” (1991).
Bagama’t inspirational songs ang nasa “With You” album ni Gary ay nasanay na ang lahat na sa tuwing may album at concert siya ay kailangan niyang magpakita ng bagong dance moves na ginagaya ng lahat.
Nakangiting sagot ni Mr. Pure Energy, “Dancing is not as easy anymore.” Pero sa edad 49 ay kaya pa ring humataw at makipagsabayan ni Gary V, “I think people are also wondering, ‘hanggang kailan kaya ni Mr. Pure Energy ‘yung ganitong mga klaseng concerts?
“Me, I’m just gonna come out and enjoy. Bahala na kung ano ang sasabihin ng tao. But I’m going to come out, I’m going to dance, I’m going to move,” aniya.
Pero aware siya na ayaw na rin niyang makarinig ng komentong, “Kailan kaya titigil si Gary na sumayaw?” o “Matanda na siya.”
Kaya ang payo raw ng panganay niyang anak na si Paolo, “Instead of making it big, it’s being precise.
You make small moves, but very precise,” na ipinakita naman habang kumakanta siya ng “He’s Enough” na kasama nga sa bago niyang album, produced ng GV Productions, Inc., in cooperation of Manila Genesis Entertainment And Management at Universal Records.
Sabi pa niya, “Hindi ako mape-pressure sa pangalang Mr. Pure Energy. Kasi sa oras na iyon ang nangyari, iyon at iyon na lang ang iisipin ko. And I don’t want to worry about that.
For me, I’ll think of a name that has something to do with impossibilities being made possible and being a living and walking miracle.”
Sa awiting “He’s Enough”, kasamang nag-perform ni Gary ang AKA Jam. Ang anak naman niyang si Keana ay ka-duet niya sa “With You” na dedicated sa anak na si Paolo nu’ng ikasal ito, at si Young JV sa awiting “Ngiti”.
Mapapakinggan din sa album ang “Kapit Pinoy”, “No Mount Too High”, “Saytay”, “Para Sa ‘Yo Ama”, “The Answer”, “Come To Jesus” at “In You”.
( Photo credit to Entertainment Inquirer.net )