Nai-imagine mo ba si Kris Aquino bossing Ervin na natulala sa isang tanong na ngayon lang niya narinig sa buong buhay niya?
Diretso at matapang si Kris kapag siya ang nagtatanong sa mga guest ng mga naging programa niya hanggang sa kasalukuyan, pero pagdating pala sa tanong ng bunsong anak na si Bimby ay kinailangan niyang manalangin para masagot ng tama.
Sa episode ng Kris TV kahapon ay ikinuwento ni Kris ang tanong ni Bimby sa kanya, “Mama, so Kuya and I have different papas, right? So that means you had sex with two men?”
Shock ang Queen of All Media, “Oh my God, nagdadasal ako. Sabi ko, ‘Sana tama ang isagot ko.’ Sabi ko, ‘Yeah, Bimb. I was confused, I was wrong. You should stick to one.’”
Kaya ang payo ni Kris sa mga nanay na may mga anak na ganito rin ang tanong sa kanila, “If you have a child who’s so curious, talagang sagutin mo nang diretso.”
Sabi pa raw sa kanya ni Bimby, “Me, I’m gonna have one wife and I’m only going to sleep with one woman.”