Si Sharon Cuneta ang pinakabida sa Christmas station ID ng Singko. Nasa opening at closing siya nito. Hindi naman kami nagtaka dahil siya rin ang kumanta ng Christmas jingle ng TV5.
Malaki ang importansiyang ibinigay ng Singko kay Sharon pero hindi naman siya nag-effort para pumunta sa Christmas party nito for the press.
Talo pa siya ni Nora Aunor na buong party ay naroon para makasama ang mga manunulat.
Anyway, hindi naman ganu’n bongga ang Christmas party ng Singko.
Maraming umuwing luhaan. Ang nakakaloka pa, may-I-announce pa sila na lahat ng hindi natawag sa raffle ay dapat tingnan kung nagwagi sila sa electronic raffle na P1,000 or P2,000.
A lot were dismayed when they learned na hindi pala lahat ay magwawagi at chosen few lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.