Kris: Oo, nakikipag-date uli ako! pero ibalato n’yo na lang sa akin!


Kaliwa’t kanan ang tanong sa amin ng ilang kakilala nang mapanood nila ang Kris RealiTV kahapon dahil sinabi raw ni Kris Aquino na, “Yes, I am seeing somebody.”

Wala pang isang buwan nang sabihin ni Kris sa national television na may manliligaw siyang foreigner pero dalawang araw bago siya magdiwang ng kaarawan noong Pebrero 14 ay bigla niyang inaming huminto na kasi baka natakot na inanunsyo niya kaagad.

Kaya lang, na-curious na naman ang netizens kay Kris dahil nu’ng nag-guest naman si Vice Ganda sa Aquino-Abunda Tonight ay ibinuking niyang “tumatakas” daw ang “asawa” niya kapag nakikipagkita.

“Sino, kanino?” ang tanong ng marami. At sa Kris TV kahapon ay inamin ni Kris na may dine-date siya.  Siyempre, gusto naming makiusyoso kaya tinext namin kung sino, pero sinagot kami ng, “Ibalato mo na sa akin na mairegalo ko sa kanya (guy) ang privacy.”

Oo nga, baka matakot na naman kung sinuman ang lucky guy na nagugustuhan ni Kris. Samantala, noong Lunes naman dumating sina Kris at Pokwang galing ng Batanes Island para mag-shoot for Kris Reali-TV na mapapanood ngayong darating na linggo.

Post naman ng headwriter ng programa ni Kris na si Darla Sauler, “Sobrang ganda dito sa Batanes!!!!! Sensya na sumama ako sa view. Hahaha! Pero grabe as in.  Super beautiful! Virgin!  Batanes is PARADISE. MUST VISIT.”

At kung nag-enjoy si Darla at nina Pokie sa Batanes ay sumama naman ang pakiramdam ni Kris base na rin sa post niya, “@krisaquino214’s Instagram: #kristvBatanes airing next week.

Sorry there were no 3G in Batanes so now that I’m back uploading some of what we shot. I have a bad cold, so I’m resting until A&A tonight (Lunes ng gabi). Have a wonderful week ahead of you!”

Samantala, curious naman ang followers ni Kris sa post ulit niyang, “May I ask you to pray w/ me for a special intention? No it’s not about love, it’s something to do w/ work, and a new endorsement.”

Dagdag pa niya, “I never thought at 43 years old would be offered to me. I need permission from another brand I represent because of some contractual stipulations that Boy & I are praying we can compromise on.#wishesdocometrue #beautiful #praying.”

Tinanong namin kung anong produkto ang binabanggit na ito ni Kris, “Boy (Abunda) said bawal sabihin,” sagot sa amin.

Read more...