Direk Cathy nabitin kina Daniel at Kathryn


Ilang days na lang babu na ang primetime serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Kapamilya network na Got To Believe. For sure, nabitin ang fans nila kasi mapuputol na ang kilig moments nila sa panonood sa dalawang bagets gabi-gabi.

Maging ang direktor ng Got To Believe na si Cathy Garcia Molina ay nabitin sa mga bida niya. Kaya siya mismo ang nag-request na mahawakan ulit ang dalawa. But next time, sa pelikula na.

“Ang dami ko pang pwedeng mahugot sa kanila. Pero alam mo naman ang telebisyon, ‘di ba? There’s very little time kasi  you have so much number of sequences to be aired everyday and you have no replays, wala.

Wala kang rason para hindi ka magpalabas. So, there are times na gusto mo pang pagandahin, gusto mo pang hugutin pero hindi mo na magawa because of lack of time,” pahayag pa ni Direk Cathy.

Wish granted naman dahil si Direk Cathy pa rin ang magdidirek ng pelikula nina Kathryn at Daniel na “She’s Dating The Gangster.” Magsisimula na raw sila ngayong March.

Pakonti-konti lang daw muna dahil aalis si Daniel next month para sa shows niya sa Europe. Pagbalik ni Daniel, tuluy-tuloy na ang shooting nila.

After ng movie, balik-teleserye si Direk Cathy. Gagawin niya ang prequel ng movie niya last year na “Four Sisters and a Wedding” na pinagbidahan nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Enchong Dee.

Read more...