Sam vs Aljur: Paastigan ng ‘ABS’ sa ‘Dyesebel’ at ‘Kambal Sirena’


Natatawa ako sa sarili ko – I even posted sa Facebook account ko. Kasi nga, sa pagkakaalam ko magtatapat sa timeslot ang ABS-CBN’s Dyesebel and GMA 7’s Kambal Sirena that stars two of my favorite babies – Sam Milby will be one of Anne Curtis’ leading men sa Dyesebel while Papa Aljur Abrenica naman is Louise delos Reyes’ partner sa Kambal Sirena.

Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ang dalawang boys kong ito sa showbiz. Pareho kong anak-anakan ang dalawang iyan.  Marami kasi ang nagtatanong sa akin kung kanino ko ibibigay ang buong puso kong suporta.

Kaninong kaseksihan daw ba ang mas lulutang – ang abs ba ni Aljur o ang abs ni Sam?  Without batting an eyelash, siyempre sa print pareho sila, pantay ang dating.

Sa radyo naman, I may be able to plug Dyesebel at times because DZMM is under ABS-CBN pero it doesn’t mean that I’m gonna put down Kambal Sirena – mahal na mahal ko yang si Aljur, ‘no!

Basta sa puso ko, pantay ko silang tutulungan in many ways. Hindi lang naman sa radyo and print, di ba? Puwede rin sa social media and word of mouth.

Bottomline is, I am very proud of my two boys – Sam and Papa Aljur dahil pareho silang busy and alaga nila ang mga katawan nila for them to be tapped for the said roles.

Pero huwag ka, one day, pag merong gumawa ng project entitled Kambal Dyesebel, I will beg the producers na ako ang kuning main sirena and these two boys will be my leading men.

Ha-hahaha! Iyan ang pinakamalalang ilusyon of all time. Ha-hahaha!

Read more...