Alice 1 taon nang single, mas naging maingat sa mga lalaki


GAME na game ang super ganda at super sexy pa ring si Alice Dixson nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa huling hurit ng Panagbenga sa Baguio, courtesy of TV5 na siyang naghandog ng farewell party para sa nasabing flower festival.

In fairness, napakasarap kausap ni Alice that night, lahat ng tanong sinasagot niya, pati na ang tungkol sa pagiging single uli matapos ang ilang taong pakikipagrelasyon sa dating asawa.

Halos one year na ang nakalipas matapos maaprubahan ang annulment ng kanilang kasal but she still opted to remain single.
Inamin ni Alice na mas naging careful na siya ngayon pagdating sa mga lalaki, pero ayaw naman niyang sabihing traumatic ang naging married life niya.

She’s also dating now pero wala pa siyang gustong sagutin sa mga suitors niya. Sey pa ng TV5 actress, she’s enjoying her life at nagpapasalamat siya sa Singko sa tuluy-tuloy na trabaho niya mula pa noong bumalik siya sa Pilipinas.

Tinanong din namin si Alice kung totoo ang chika na lilipat na siya sa ABS-CBN, may balita kasi na inoperan siya  roon ng isang teleserye, kinupirma naman niya ito.

“Yes, actually both stations ang nag-offer, they like me to do a soap opera, but when I asked permission from TV5, sabi nila meron na silang naka-line up na project for me, so I said no.

But they promised na kapag nagkaroon uli ng offer ang ibang network, just tell them at open naman sila sa mga ganoon,” sey ng seksing aktres.

Pero kinumpirma ni Alice na tuloy na ang pagbibida niya sa drama anthology ng Dos na Maalaala Mo Kaya, inaayos na lang daw ang script ng gagawin niyang episode.

Samantala, posible raw na maging magkalaban sa ere ang bago niyang tawaserye sa TV5, ang Confessions of a Torpe with Ogie Alcasid na nagsimula na noong Lunes, ang sirena serye ng Dos na Dyesebel na ginampanan rin niya noon sa pelikula.

Alam naman ng lahat na ang isa sa mga movie remake ng “Dyesebel” ang naging hudyat ng kasikatan ni Alice sa showbiz kaya malapit sa kanya ang proyektong ito.

Ano ang comment niya sa pagganap naman ni Anne Curtis bilang Dyesebel, “Actually, Anne is a very beautiful girl. Dyesebel is a great role to play. I can only tell her enjoy…enjoy it.

“For me, Dyesebel was one of my most memorable roles and it made me. So I think that’s all she can do, have fun with the role and enjoy the experience,” sey ni Alice.

Naalala ni Alice na nakatrabaho na niya noon si Anne, “Nakasama ko siya sa GMA before. She played my daughter in Ang Iibigan Ay Ikaw (2002) directed by Joyce Bernal.

Nakasama ko do’n si Richard Gomez and Lani Mercado. She and Angel Locsin, both of them, played my daughters.” “I remember Anne to be very outspoken, very cute, very popular already, as she was starting.

You knew naman… you could tell she would go a long way,” dagdag pa nito.  By the way, kasama rin nina Alice at Ogie sa Confessions of a Torpe ng TV5 sina Gelli de Belen, Mark Neumann, Albie Casiño, Bayani Agbayani, Jojo Alejar at marami pang iba.

Read more...