Sarah: Please po, hindi pa ako handang sagutin ‘yan!


Sa pagtanggi ni Sarah Geronimo na magsalita tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Matteo Guidicelli (kahit pa nga umaamin na sila na) at nagrerebelde siya sa kanyang mga magulang, mas tumindi ang paniniwala ng marami na may bahid ng katotohanan ang mga isyung naglalabasan.

Sa interview ng Buzz Ng Bayan sa Pop Princess, todo-tanggi ito sa pagkokomento tungkol sa mga nasabing issue. Sey ni Sarah, “Ay, puwede pong huwag natin siyang pag-usapan, okay lang?”

Sundot na tanong sa kanya,  bakit mas pinili niyang manahimik? “Siyempre po, personal po na buhay namin yun. Yun lang po, sana po naiintindihan ng mga tao.”

Totoo bang na-depress siya kaya nagrebelde sa kanyang mga magulang? Ang tugon ng singer-actress, “Siyempre, lahat naman may say, sa amin—sa aming mga artista, public figure.

Siyempre, wala kaming control sa kung ano ang gusto nilang sabihin.” At sa tanong kung true bang nagalit ang ama niyang si Daddy Delfin kay Matteo? “Please po, hindi po ako handang sagutin ang mga ganyang tanong.”

Read more...