Sorry na lang Jennylyn, Ate Vi mas boto kay Angel para kay Luis


Maligayang-maligaya si Angel Locsin sa muling pagkikita nila ng kanyang future mother-in-law na si  Gov. Vilma Santos. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Luis Manzano ng litrato kasama ang dalawang Darna sa kanyang buhay.

Nilagyan ni Luis ng caption ang picture ng, “Having dinner with these 2 lovely ladies, the mommy and the girlfriend @therealangellocsin.” In fairness, napakaraming nag-like at nag-share ng nasabing larawan.

Marami ang nag-comment na feeling nila mas boto nga si Ate Vi kay Angel kesa sa ex-girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado. Kitang-kita raw kasi nila sa itsura ng Star for All Season na gustung-gusto niya si Angel para sa anak.

At patunay diyan ang recent interview ng Tapatan ni Tunying kay Ate Vi kung saan binigyan niya ng rating na 9 out of 10 si Angel bilang future daughter in law.

“Isa siguro sa na-appreciate ko kay Angel, nakikita naman ng mga tao eh is matulungin. If there’s anything na pwede siya mag-share ng kanyang maiaabot na tulong kapag merong kalamidad, she’s always there.

And that’s a good sign. Kung papano niya alagaan, bigyan ng respeto yung tatay niya na may diprensya, importante ‘yun,” papuri ng gobernadora sa aktres.

Okay lang din daw sa actress-politician kung magpakasal na ang dalawa,  “Wala naman problema, ‘di naman ako ang makikisama. Plus the fact na ‘di na bago si Angel, at least I know they are back and maligaya sila sa isa’t isa, mas maligaya kami for them.” (Ervin Santiago)

Read more...