Nagmumurang birdie ni Tom Rodriguez peke?


Talagang sex appeal pa rin ni Tom Rodriguez ang lumutang sa kanyang sexy pictorial for a local clothing brand. Naka-underwear si Tom sa photo shoot at “markadong-markado” ang kanyang “harapan”.

Nagmumura as in nagmumura ang kanyang kinabukasan, para bang nangingiliti. Ang daming kinilig sa latest sexy pictorial ni Tom.  Bulge kung bulge  kasi ang labanan.

Ewan nga lamang kung “dinoktor” ang photo na ‘yon ni Tom. Para kasing sobrang laki ng kanyang kargada. Hindi kaya photoshop wonder ang shot na ‘yon? Just wondering.

Anyway, marami na ang nagtatanong kung ano na ang next project ni Tom for GMA 7 after their hit soap My Husband’s Lover.
Parang nabantilawan na kasi ang kasikatan niya kasi nga wala kaagad na kasunod.

Hit na hit pa naman ang tambalan nila ni Dennis Trillo, ‘no. So, what’s next Tom? Magpapaka-daring ka ba sa next project mo with GMA? Magpapakita ka na ba ng katawan?

Teka, hindi kaya marami rin ang ma-turn off kay Tom now that the people knew na ang real-life girlfriend niya ay nasa bakuran na rin ng Siyete at nag-aartista na?

Read more...