Zanjo, Bea may gender issue rin? | Bandera

Zanjo, Bea may gender issue rin?

- December 06, 2011 - 03:08 PM

TAWA ng tawa si Zanjoe Marudo sa entertainment press ng hingan siya ng reaksyon tungkol sa paghihiwalay nina Piolo Pascual at KC Concepcion dahil nga nali-link din siya sa aktor. “Totoo ba ‘yan? Parang wala naman akong alam?” nagtatakang-natatawa si Zanjoe.

Hindi naman itinanggi ng aktor na magkaibigan talaga sila ni Piolo at naging magkapatid pa nga raw sila sa seryeng Lovers In Paris kaya close sila. Isang diretsong tanong ang ipinukol kay Zanjoe kung napipikon siya kapag tinatanong siya tungkol kay Piolo?

“Hindi naman. Pero kasi natatawa ako sa inyo!” tumatawang sagot pa ng aktor.

At sa pagkakakilala ba ni Zanjoe kay Piolo ay dapat bang pagdudahan ang gender ng huli na matagal ng tinatanong ng lahat? “Ha-hahaha! Marami namang mas higit na nakakakilala sa kanya kaysa sa akin.  Ako naman nakatrabaho ko lang si PJ at kasamahan ko siya sa industriya. Hanggang doon lang ang alam ko,” paliwanag ni Zanjoe.

Samantala, tinanong namin ang bida sa “Tamawo” episode ng “Shake, Rattle & Roll 13” kung totoong masyado siyang concerned kay Piolo kapag hindi ito sumasagot sa text at nang magkita raw sila sa isang salon ay kinalabit at nilambing daw niya si PJ at tinatanong kung bakit hindi sumasagot sa mensahe niya.

“Ah, oo, nagkita nga kami, e, kasi si PJ, dedma ‘yun kapag may tinatanong ka, kasi busy din siya kaya nu’ng nagkita kami, tinanong ko kung natatanggap niya ‘yung message ko,” pag-amin ni Zanjoe na hindi na nagkuwento pa kung bakit ganu’n siya ka-concern sa aktor.

Samantala, excited si Zanjoe sa “SSR13” dahil first time raw niyang gumawa ng seryosong horror film. Tatay ang role ni Zanjoe sa “Tamawo” episode kasama sina Maricar Reyes, Bugoy Carino at Ms. Celia Rodriguez.

Isa pang pinakaaabangan ni Zanjoe ay ang nalalapit na New York trip nila ng girlfriend niyang si Bea Alonzo sa Dec. 25. Kanya-kanyang bahay sila sa Noche Buena at kinabukasan ay lilipad na sila patungong Nerw Jersey para sa pamilya ni Zanjoe at saka diretso ng New York para makaranas ng snow sa Times Square na pangarap ni Bea.

“Siguro, ‘yung time namin, ibibigay namin sa panonood ng broadway shows na hindi pa namin napanood dati. Tapos, malamig kasi, eh. Hindi pa ako nakakapunta ng New York ng holiday season, so, marami siguro kaming gustong gawin pero dahil siguro sa panahon, depende na kung kakayanin namin ang lamig kung gusto naming lumabas-labas, di ba?” kuwento ng aktor.

At tinanong din namin kung ito bang 2011 ang pinakamasaya at unforgettable Christmas niya? “Ah, siyempre wala ng sasaya pa nu’ng bata ako, like nangangaroling kami ng mga kaibigan ko sa mga bahay-bahay, nanghihingi ng pera, masarap na experience ‘yun.

“Yung ngayon, masasabi kong oo kasi bukod sa first time kong mag-holiday sa New York kasama ko rin si Bea, so ibang chapter naman iyon ng buhay ko kaya masasabi kong oo,” pag-amin ng aktor.

Diretso rin naming tinanong kung gaano niya kamahal si Bea, “Hindi ko sinusukat eh, basta mahal ko siya.”

At dahil mahal ni Zanjoe si Bea ay hindi naiwasang tanungin kung alam na niya ang lahat-lahat sa aktres at naitanong din tungkol sa gender issue ng dalaga na matagal na raw nababalita. “Huh? Maski naman mag-asawa na kayo at ilang taon na kayong nagsasama, pag lolo at lola na kayo, marami ka pa rin madidiskubre sa isa’t isa. At tungkol naman sa gender issue, ayokong sagutin ‘yan, gender ko na lang ang tanungin ninyo,” sabay tawa ng aktor.

“Kung anuman ang past ni Bea, hindi ako nagtatanong at wala akong alam at hindi rin ako interesadong malaman kasi hindi naman ako part ng past niya. Ganu’n din naman ako, hindi ako nagsasabi ng past ko kasi hindi naman mahalaga ‘yun, ang mahalaga ay ‘yung kami ngayon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Bea na kaya ang huling babae sa buhay niya? “Napapanaginipan kong ikinakasal kami, dati may mga napapanaginipan ako, pero paggising ko, hindi ko maalala, siya, naalala ko,” seryosong sabi ni Zanjoe. -Regee Bonoan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending