Ikalawang lalaki (2)

Sulat mula kay Lora ng  President Roxas, Capiz
Problema:
1.      Ang akala ko ay buntis na ako.  Bagaman wala pa rin kaming anak ng asawa ko sa kabila ng apat na taon pagsasama, hindi pa namin balak na magkaanak dahil sa labis na hirap ng buhay.  Nagpatawas ako at sinabi ng magtatawas na hindi ako buntis at hindi maaaring mabuntis ng lalaking hindi ko raw lubos na mahal.
2. Ang sabi pa ng magtatawas ay nagpapalipas-oras lang daw ang kinakasama ko ngayon.  Dahil dito, nagulo ang aking pag-iisip.  Parang gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya pero sinabi sa akin ng kinakasama ko na hindi siya makikipaghiwalay sa akin.  May edad ang kinakasama ko.  Ano ang dapat kong gawin?   July 11, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Lora ng President Roxas, Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac mong Pisces  (Illustration 1.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer ang magiging ikalawang boyfriend mo, matapos mahiwalay sa kasalukuyan mong boyfriend. Kung saan, ang lalaking Cancer na nga ang makakasama mo habambuhay.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa taon ding ito, mawawala ang bisa ng gayuma na ginamit sa iyo ng kasalukuyan mong boyfriend at ka-live-in, upang pagkatapos ng 7 hanggang 8 buwan magka-boyfriend ka uli ng lalaking isinilang sa petsang 13. Ang lalaking ito na may zodiac sign na Cancer at birth date na 13, tulad ng nasabi na, ang panghabambuhay mo nang makakasama sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang tuluyan nang mawala ang bisa ng gayuma, lagi kang gumamit ng kulay pula at dilaw. Sa ganyang paraan magbabalik ang katinuan ng iyong isipan. Makakalaya ka na sa kanyang pang-gagayuma.
Huling payo at paalala:
Lora, ayon sa iyong kapalaran, hindi na magtatagal ang pangga-gayumang ginawa sa iyo ng kasalukuyan mong boyfriend na ka-live in mo ay mawawalan ng bisa. Upang pagkatapos magpasya kang makipaghiwalay sa kanya. Hanggang sa makilala mo ang ikalawang lalaking darating sa iyong buhay na nagtataglay ng initial na R.A., ang lalaki ito ang siya ng totoong mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng  maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...