Vhong babalik na sa Showtime, bibigyan ng matinding seguridad


Meron daw magbabalik sa It’s Showtime. Merong teaser na kumakalat sa social media na “swabe” kaya naman many are thinking na si Vhong Navarro ang magbabalik sa noontime show ng Dos.

Welcome news ito para sa fans ng actor. Marami talaga ang nakaka-miss na sa TV host-comedian-dancer. Medyo matagal-tagal na rin siyang hindi nakikita sa entablado  matapos masangkot sa isang rape case.

True kayang magbabalik na sa noontime si Vhong? If ever na true, magiging daily kaya ang kanyang appearance? Paano na ang security niya? Tiyak na dobleng pag-iingat ang gagawin niya ngayon.

Ang alam namin ay balik-shooting na si Vhong para sa kanyang movie. Naantala ang shooting dahil nga sa pambubugbog sa kanya. Patalbugan ang tatlong network sa kanilang provincial tour.

Talagang ayaw paawat sa mga bongga nilang presentation. Ang Kapamilya dumayo sa Baguio for the Panagbenga Festival. Kasama nila ang cast ng Be Careful With My Heart and based on the photo that we saw ay talagang walang paglagyan maski ang karayom sa dami ng nanood ng palabas nila.

Not to be outdone, nagpasikat din ang TV5 sa Baguio as cast members of their sitcom   Confessions of a Torpe and Tropa Mo Ko Unli performed like Ogie Alcasid, Mark Neumann, Albie Casino, Eula Caballero, Alwyn Uytingco.

Hindi rin naman nagpatalbog ang number two network, ang GMA 7, at dinala nila ang cast members ng sirena series nila.
Pero parang walang tatalo sa Best Fair Ever event nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Makati.

Talagang ang daming tao na sumugod para manood ng show nila. Nagkaroon pa ng auction ang mga painting na ginamit yata sa soap nila.

Merong painting na nabili sa halagang P20,000, merong P3,000 at P12,000. Aba, madadatung ang fans ng dalawa, ha.

Read more...