Kia, Blackwater bagong koponan sa PBA?

DALAWANG kumpanya ang nagbigay ng kanilang pormal na aplikasyon para maging mga bagong koponan ng Philippine Basketball Association (PBA).

Sinabi ng PBA Commissioner’s Office kahapon na nakatanggap sila ng sulat mula sa Columbia Automotive Corporation (Team Kia) at Ever Bilena Inc. (Blackwater Sports) na parehong hangad na maging  bagong koponan ng liga.

Subalit ang sulat na ibinigay ng dalawang koponan ay umpisa pa lamang ng kanilang hangaring makapasok sa pro league dahil kailangang pag-aralan pang mabuti ng liga kung tatanggapin nito ang mga nasabing prangkisa.

Ayon kay PBA commissioner Chito Salud ang aplikasyon ay kailangan ng 3/4 approval ng PBA Board of Governors matapos ang pag-aaral sa pinansiyal na kakayahan at iba pa ng kumpanya.

Magbibigay naman si Salud ng rekomendasyon sa board base sa kanilang pagkilatis dito.

Read more...