Patung-patong na kaso ang malapit nang ihain ni Vhong Navarro laban sa babaeng nagsumigaw na ni-rape niya ito nu’ng 2010. Kailangang gawin ‘yun ng actor-dancer-TV host para wala nang sumunod pa uling babae na ganu’n din ang isisigaw, rapist daw ang male personality, kahit pa puro ilusyon lang naman ang laman ng kanilang sinumpaang salaysay.
At napapanahon na rin para kahit puro butas ang akusasyon ni Roxanne Acosta Cabanero laban kay Vhong ay mabigyan ng leksiyon ang mga kababaihang makasawsaw lang sa pinag-uusapang kontrobersiya ay agad nang maghahain ng kaso, magsasalita na sa harap ng mga camera, kailangan nang maputol ang ganu’ng mga kadramahan.
“’Yun ang sinasabi nu’n nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na marami na raw babaeng tumatawag sa kanila na nagpapasalamat dahil sila man daw, e, inisahan ni Vhong. Ang bilis ng aksiyon, di ba naman?
“Kapuputok pa lang ng issue nu’n, e, nakontak na sila agad ng mga babaeng hinalay rin daw ni Vhong! Ano ito, lokohan? Nakakaloka sila, diversionary tactic itong mga ginagawa nila ngayon,” sabi ng isang kausap naming inis na inis sa babae “who cried wolf” daw.
Malaking panahon na ang nawawala ngayon kay Vhong Navarro, ibig sabihi’y malaking regular na kinikita na rin niya nu’n ang nawawala sa kanya ngayon, malaking abala para sa kanya ang mga kasuhang ganito.
“Pero okey pa rin dahil kakampi niya naman ang publiko sa kinasasangkutan niyang issue. Ang masakit, e, ‘yung naaabala ka na, nagagastusan ka na, pero kontra sa iyo ang marami.
“Saka maraming tumutulong kay Vhong. Ganyan ang showbiz, pitikin mo ang isa sa kanila at maglalabasan ang mga kasamahang handang sumuporta.
Mabait ang showbiz sa mga ganyan, hindi na niya kailangan pang humingi ng ayuda, nandiyan na agad!” totoong-totoong komento pa ng aming kakuwentuhang aktor din. Sa totoo lang.