Ibang babae na naman ang pinag-awayan nina Kylie Padilla and Aljur Abrenica. Finale week today ng Adarna ni Kylie sa TeleBabad after 24 Oras.
This is Kylie’s first primetime lead role, her first title role and also her first chance to do some acting when her character Ada turned into a masked superhero requiring her to do some martial arts sequences.
This is also the first time she consented to do a screen kiss with partner Geoff Eigenmann at pinayagan naman siya ng kaniyang amang si Robin Padilla. As to boyfriend Aljur, hindi na niya raw kailangang magpaalam dito.
Sagot ni Kylie sa tanong namin during the finale presscon, kung si Aljur nga raw ang daming beses nang nakipaghalikan sa partner niya at ngayon, may bago na namang hahalikan, siya pa nga naman ba ang pipigilan ng boyfriend?
Sa pagkakasagot niya, halatang galing lang sa away ang dalawa pero nagkaayos na. It seems ang bagong partner ni Aljur sa upcoming replacement soap ng Adarna na Kambal Sirena ang bago nilang pinagkakatampuhan dahil for sure, may kissing scenes din ang dalawa.
Matagal nang tanggap ni Kylie ang perennial partner ni Aljur na si Kris Bernal dahil magkasama na ang dalawa even before she entered the picture.
It’s Aljur’s new and other leading ladies ang pinagkakatampuhan nila ngayon balita namin at siguro natural lang ito sa isang babae na may boyfriend.
Kahit pareho silang showbiz, hindi talaga maaalis sa propesyon nila not to kiss other partners when it’s required of them kaya nagkakatampuhan.