Toni: Natatakot ako, may karma yun!

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang love scene nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual sa pelikulang “Starting Over Again”, kaya ang laging tanong sa Multi-media Star, posible pa ba itong masundan at mas maging daring pa sa next project niya.

“Hindi na, ito na ‘yung una, sabi ko nga kay Inang (Olive Lamasan, direktor ng movie) ito na ‘yun, kaya nga comedy.  Hindi ba kasuka-suka?” ang natatawang say ni Toni nang maka-tsikahan ng press sa thanksgiving party na inihanda ng magulang niyang sina Daddy Carlito at Mommy Pinty noong Sabado ng gabi.

“Hindi ako bagay sa ganu’n (mas daring) bagay lang ako sa comedy.  Matatawa sila (moveigoers) kapag ako ang nag-lovescene, hindi ako bagay.  Hindi puwede ‘yung sensual,” paliwanag mabuti ni Toni.

At aminado ang dalaga na marami siyang natutunan sa “Starting Over Again”, “Marami akong natutunan, in fairness sa pelikulang ‘yun, nag-mature ako pagdating sa pag-ibig.

Pahagahan, letting go after.”  Sa sundot na tanong kung posibleng magkasama sila sa isang movie ng boyfriend niyang si  direk Paul Soriano dahil marami ang nagsabi na  may chemistry sila sa harap ng camera matapos ngang mag-guest ang direktor sa “Starting Over Again”,  “Wa! Wa!” mabilis na sagot ng dalaga.

Good thing daw wala si direk Paul sa premiere night kaya hindi raw niya napanood ang halikan at bedscene nila ni Piolo pero dahil sa curiousity na kumita ito ng P25 million sa opening day ay nagsabi raw ito ng, “I want to watch the movie.”

“Kaya sa opening day, nanood kaming dalawa sa Shangri-lah at sa pinakatuktok kami para hindi kami makita ng tao at nu’ng pinapakita na ‘yung scene, kung anu-ano sinasabi ko sa kanya, pinakain ko ng popcorn, binigyan ko ng juice, sandwich, kinukuwentuhan ko para hindi ma-focus ang attention niya, so far okay naman,” kuwento ng aktres.

Sabi namin baka pinanood ulit ni direk Paul ng wala siya, “Hindi, hindi niya gagawin ‘yun,” say naman ni Toni. Samantala, ipinagdiinan ng panganay nina daddy Carlito at mommy Pinty na hindi pa sila engaged ni direk Paul.

“Wala pa, heto wala pang ring (sabay pakita ng daliri) kasi kung engaged na, hindi ko naman itatago, dapat nga ipagsisigawan mo, saka natatakot ako, may karma ‘yun pag tinatago. Alam ko darating ‘yun, siyempre, pinagpe-pray ko rin ‘yun,” paliwanag niya.

Read more...