HOROSCOPE, MARCH 02, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, MARCH 02, 2014

Madam Sophia - March 02, 2014 - 03:51 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang mapanatili ang kalusugan sa unang oras sa umaga bago mag-simba, simulan na ang page-exercise. Sa pag-ibig kailangang palakasin ang katawan, upang makarami sa minamahal. Sa pinansyal, ituloy ang pagtitipid. Mapalad ang 1, 7, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Green at red ang buenas.   

Aries – (Marso 21-April 19) –        Upang umunlad, wag bumili ng mga bagay na hindi kailangan.  Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marunong ka ng magtipid at magipon. Mapalad ang 3, 15, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Gamitin ang kakayahan sa pagtulong sa kapwa! Habang  isinasagawa ang public service, kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, darating bigla ang true love.  Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria-Om.” Red at pink ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21) – Darating ang panahong kung sino pa ang tinutulungan mo sila pa ang lihim na maninira sayo. Sa pag-ibig, maganda ka lang at mabait kapag nabibigyan mo ng materyal na bagay ang minamahal. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at silver ang bueans.

Cancer – (June 22- July 22)-  Gawing inspirasyon ang mga taong malapit sa iyong puso upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig uwian ang kasuyo ng pagkain lusaw, matamis at masarap upang maibsan ang maalinsangang pakiramdam. Mapalad ang 7, 16, 27, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Dosya-Om.” Green  at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Unahin ang obligasyon sa pamilya. Maglaan ng salapi para sa kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang bakanteng oras sa pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 4, 13, 28, 36 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tamal-Harayana-Om.”  Beige at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Huwag paki-alaman ang ginagawa ng iba. Sa sariling diskarte mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit, maaari mo ring paligayahin ang sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Ketu-Ayin-Mandala-Om.” Gray at violet ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)          – Lutasin na agad ang problema. Wag ng hintayin pang lumaki  ang tubo ng Bombay at tubo ng credit card bago magbayad na agad. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang kasuyong mayabang upang maging okey na ang inyong relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 31, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Om.” Maroon at purple ang buenas

Scorpio – (October 24 – November 21) – Mangangailangan ng tiyaga sa iyong love life, pero magiging maganda naman ang reward. Sa pinansyal, gawing simple ang pamumuhay, kung ano lang ang kayang bilin pagkasyahin na lang ang pera, wag ng mangutang pa. Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om”. Yellow at white ang buenas.

 
Sagittarius – (November 22 – December 21)-         Isang kaibigan ang magaabot ng malaking halaga. Wag ng umarte-arte pa, tanggapin mo agad. Sa pag-ibig, hingin ang ayuda ng minamahal, upang mas madaling malutas ang mga problema. Mapalad ang 9, 12, 21, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Yama-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa pinansiyal, kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa ng mag-invest. Sa pag-ibig, maging caring sa minamahal. Pag-uwi ng bahay pasalubungan ng matamis na halik ang kasuyo. Mapalad ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina-Om”. Black at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)-           Ilunsad ang marahas na pagbabago upang mag bago na rin ang kapalaran. Lumayo ka sa sinilangan mong bayan.  Sa pag-ibig, tumuklas ng bagong lugar na wala sa iyong nakakakilala upang ganap ka ng lumigaya. Mapalad ang 4, 19, 22, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Om.” Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – May aral na mapupulot sa araw na ito. Mare-realize mong hindi pinupulot ang pera, kundi pinaghihirapan. Sa pag-ibig, panahon na upang iwasan ang pakikipag-Facebook sa dating ka-relasyon upang hindi magulo ang masayang pamilya.  Mapalad ang 2, 8, 11, 18, 28, at 46. Mahiwag among mantra: “Sator-Arepo-Opera.”  Blue at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending