Slaughter, 3 iba pa isinama sa Gilas pool


APAT na manlalaro ang idinagdag ni Gilas national coach Chot Reyes sa pool na magsasanay para sa dalawang malalaking kompetisyon na sasalihan ng bansa.

Inimbitahan ni Reyes ang number one rookie pick ng nakaraang PBA Draft na si 6-foot-11 Greg Slaughter bukod pa kina Fil-Ams Marcio Lassiter at Jared Dillinger at scoring guard Paul Lee para isama sa mga datihan na sina Jimmy Alapag, Jason Castro, LA Tenorio, Gary David, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, Ranidel De Ocampo, Marc Pingris, Beau Belga, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo at naturalized center Marcus Douthit.

Sina Slaughter, Lassiter at Dillinger ay mga dating kasapi ng Gilas sa ilalim ni Serbian coach Rajko Toroman habang si Lee ay unang beses na mapapasama sa programa.

Kinailangan ni Reyes na dagdagan ang mga manlalarong bubuo sa pool dahil dalawang mabibigat na kompetisyon ang kanilang sasabakan.

Una na rito ay ang  FIBA World Cup sa Spain mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14 at kasunod nito ay ang Asian Games sa Incheon, Korea mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Read more...