Wally: Siguro patay na ako kung hindi nag-ring ang telepono ko!


INAMIN sa amin ni Wally Bayola na siya ang nag-upload sa laptop niya nu’ng sex video nila ni EB Babe Yosh Rivera. Binili raw sa kanya ni Yosh ang laptop niya noon pang 2012.

“Nasira ‘yun kaya pinagawa niya (Yosh). Pero bago napunta sa kanya lahat ng files du’n dinilete ko lahat. Lahat-lahat. E, kahit pala na-delete mo na ‘yung files nari-retrieve pa rin pala ang mga ‘yun,” malungkot na pahayag ni Wally nu’ng makausap namin siya sa 10th anniversary ng Zirkoh Comedy Bar.

Nu’ng lumabas na raw ‘yung video, naalarma agad si Wally kaya humingi siya ng tulong sa mga kaibigan niya sa NBI, “Tumulong naman sila, kaya lang may ibang lumabas na, pero na-trace nila kung sino ang naglabas.”

Itinuro sa amin ni Wally ang service center na pinagpagawaan ng laptop ni Yosh na malapit lang sa Zirkoh. Pero sarado na pala ang shop simula nu’ng imbestigahan sila ng NBI.

“Nu’ng nakita ko na lumabas na sa social media ‘yun (sex video),  hindi ko alam kung ano ang gagawin lo. Nagkulong ako sa kuwarto. Pumasok  pa sa isip ko na tapusin ko na nga, eh. ‘Yung gusto ko nang magbaril sa sarili.

“May baril ako sa bahay na nu’ng time ay nilalaru-laro ko. Konting-konti na lang puwede na siyang sumabog. Biglang nag-ring ang telepono, parang save by the bell, kasi after ng pag-uusap namin ng tumawag ay nakalimutan ko na ang binabalak kong pagpapakamatay.

“Ang ginawa ko, tinawagan ko si Jose (Manalo). Tinawagan ko rin ‘yung ibang kasama ko sa Eat Bulaga. Pero hindi sila sumasagot. Siguro mga tulog na kasi madaling-araw na ‘yun.

“Si Jose, hindi rin sumagot sa tawag ko. Kaya nag-text ako sa kanya. Maya-maya sumagot siya. Sabi ko kausapin niya ako. Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan. Dumaan din ako sa matinding problema, nakaya ko. Kaya mo rin!

“Tapos sabi pa niya, ‘Puntahan mo ang anak mo sa ospital. Puntahan  mo siya ngayon. Pumunta ka ng ospital.’ Pagkatapos naming mag-usap, punta agad ako sa anak ko.

Paglapit ko sa anak ko, hindi pa ako nagsasalita, sabi niya, ‘Ikaw kasi Papa, e.’ “Sabi niya magdasal kami. Nag-lead siya ng prayer, kaming tatlo ng asawa ko, magkakahawak-kamay kami.

Habang nagdadasal kami, grabe ang iyak ko. Doon lang ako nakaiyak ng ganoon. Pero pagkatapos naming magdasal, gumaan ang pakiramdam ko,” kwento pa ni Wally.

Read more...